Photo: Allan Sancon

May sampung taon nang napapanood sa telebisyon at sa mga pelikula ang matagumpay na love team nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Hindi man naging sila sa totoong buhay, nakita ang magandang “chemistry” ng dalawa. Bilang engrandeng selebrasyon para sa  10th year na  anibersaryo ng love team nina John Lloyd at Bea, inihahandog ng Star Cinema ang kanilang pinakabagong pelikula na pinamagatang The Mistress.


Sa ilalim ng direksiyon ni Olivia Lamasan, ang pelikula na ito ay maituturing na mapangahas at matapang dahil tatalakay ito sa isang kalaguyo, kabit o number 2.


Ano ang first reaksyon mo Bea nang ini-offer sa ’yo ang movie na ito? Hindi ka ba nagdalawang isip na tanggapin ito?


Bea:
“Napatulala lang ako, sabi ko lang kay Direk [Olivia Lamasan], ‘Inang, natatakot ako! Pero gusto ko, gusto kong gawin.’ Kasi para bang na challenge ako na hindi pa ako nakakagawa  ng ganitong istorya before. Pero si Inang na nga rin nagsabi na magkakaroon ka ng hunger at thirst for the next level. Para sa ‘kin, isa siyang milestone sa career ko. Hindi ako nag e-expect nang kahit na ano pero yung  mabuo lang namin yung ganitong klaseng pelikula, yung may ganitong klaseng istorya, napakalaking bagay na sa ‘kin. It is something na  hinding-hindi ko po malilimutan, kaya I accepted the role right away. Parang ano pa ba yung perfect venue para ma explore mo yung next level, siyempre yung maka trabaho mo yung isang Direk Olivia Lamasan. That time hindi ko pa alam na si John Lloyd ang makaka trabaho ko, pero nung malaman ko, lalo na akong  napa-wow!  Kasi parang napaka blessed ko na nai-offer sa ‘kin ‘to.”


Kamusta ka trabaho si Bea sa pelikulang ito kumpara sa ibang pelikulang nagawa ninyo before?


John Lloyd:
“There are scenes, that I can only do with Bea,  as well as there are scenes that I can only do with Sarah [Geronimo] or Toni [Gonzaga], parang may kanya-kanyang styles.  Lately sa mga projects na meron ako like A Beautiful Affair [his teleserye with Bea], then itong The Mistress, yung mga hinihingi ng mga script na ito, parang sa tingin ko si Bea yung tama para sa hinihingi ng mga eksena nito. Nagpapasalamat ako na siya yung kasama ko rito, yun yung sinasabi ko na magagawa ko lang, kung paano ko siya na pini-picture na gawin kapag siya yung  kasama ko.”


Anong lesson ang mapupulot ng mga manonood sa movie n’yo na ito since ang topic dito ay tungkol sa kabit or kalaguyo?


Bea: “Na hindi lahat ng gusto mo kaya mong  kunin kasi yun ang para sa ‘yo. Kung ano yung binibigay sa ‘yo, may rason kung bakit yun  ang ibinigay sa ‘yo, at kailangan mong tanggapin. Love is about choices, life is all about choices and love is a choice. Kaya nga tayo binigyan ng utak ng Diyos para piliin natin kung ano ang tama, hindi kung ano lang yung gusto ng puso natin.”


John  Lloyd: “Siguro sa istorya ng pelikulang ito si Bea ang may pinaka malaking learning  sa pelikulang ito kasi dahil sa karakter niya, mula sa pamilya niya hanggang sa buhay pag-ibig niya. Mahirap lang magbigay ng masyado ng comment kung anong lesson natutunan ko dito kasi magre reflect yung sagot ko sa aking journey ngayon sa aking love life.


“Masasabi ko lang na napakahirap ng aking dinaanan sa karakter ko rito very instrumental yung aking personal relationship with the character, dahil yung karakter ko rito ay may matinding pinaghuhugutan, he has a very deep, wounded soul at ang daming gustong patunayan, ang daming gustong talikuran.


"Siguro pagdating sa larangan ng pag-ibig, gusto kong sundan yung sinabi ni Ate Vanessa Valdez [writer] kanina about freedom na: ‘With freedom you ought to do something good out of it hindi yung dahil gusto lang natin.’ Kumbaga dun sa story, ganun yung atake ng karakter ko, eh. Parang yung akin, basta gusto ko ay makukuha ko. Isa lang yung sa mga learnings sa mga natutunan ng karakter ko sa pelikula.”


Gaano ka daring yung mga eksena n’yo rito sa pelikula n’yo kumpara sa mga nagawa niyong pelikula?


Bea: “So far sa mga eksenang nagawa na namin, ito na yung pinaka matapang na ginawa ko or ginawa namin ni John Lloyd at no regrets na ginawa ko ito, kasi ito na yung perfect project para gawin ko ito. The moment na tinanggap ko ang proyektong ito alam ko na may gagawin akong mga ganung eksena.”


Pabirong sinabi ni John Lloyd: “Tinatanung ko pa nga kay Direk kung ipapakita pa niya yung pwet ko rito, eh, pinag iisipan pa niya. Kung maganda daw yung rehistro sa screen, why not? Otherwise, baka itago na lang daw po. (sabay tawa)


“Well, makikita niyo naman na yung ibang love scenes na ginawa na namin sa ibang pelikulang ginawa namin ni Bea, maging sa telebisyon in the ten years of our love team, hopefully dito sa bago naming pelikula ay makapagpakita kami sa audience ng bago, na hindi pa nila nakikita mula sa amin. Magpapakita kami ng bagong ‘posisyon’ (sabay tawa)…bagong posisyon ng camera.”


Sa tagal ninyong magka trabaho bilang loveteam,  sa paggawa ng daring na eksena, may ilangan pa ba sa  inyong dalawa?

Bea: “Wala na!”


John Lloyd:
“Wala na! Panay nga ang take advantage ni Bea sa akin.” (sabay tawa)