Tween Hearts features (L-R, standing) Jake Vargas, Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Hiro Magalona, Kristoffer Martin, Teejay Marquez; (R-L, sitting) Therese Conde, Ren Escano, Joyce Ching, Barbie Forteza, director Gina Alajar, Kim Komatsu, Yassi Pressman and Bea Binene. They will bid farewell as they air their 87th and final episode on June 10, 2012.

Photo: Noel Orsal

Lungkot at saya ang nararamdaman ng tambalang Bea Binene at Jake Vargas sa pagtatapos ng  Tween Hearts.

Ito ang Sunday afternoon teen series ng GMA-7 na pinagbibidahan ng tween stars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Kylie Padilla, Yassi Pressman, Ken Chan, Teejay Marquez, Kim Komatsu, Kiko Estrada, Hiro Magalona, Therese Conde, Ren Escano, Gabby Garcia, Louise Delos Reyes, at Lexi Fernandez.

Halos dalawang taon na rin ang naturang palabas na nagsimula noong Setyembre 26, 2010, at nakatakda lamang magatagal ng eight episodes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Bea at Jake kagabi, May 31, sa thanksgiving presscon ng Tween Hearts na ginanap sa 17th floor ng GMA Network, sa Timog Avenue, Quezon City.

“Mixed emotions po,” tugon ni Jake nang tanungin namin kung anong nararamdaman niya sa pagtatapos ng naturang show.

“Kasi ‘yon nga po matatapos na ang Tween Hearts, malulungkot kami, ‘tsaka kasi mawawala na ‘yong barkada namin, mami-miss namin ang buong staff.

“‘Tsaka si direk Gina [Alajar] kasi wala na lahat, e, parang tapos na lahat parang gano’n.”

Samantala, malungkot man daw si Bea sa pagtatapos ng kanilang programa’y tatapusin naman daw nila ito “with a smile.”

“Dito sa Tween Hearts masaya na malungkot kasi nga mage-end na lahat ng bonding namin, we’re ending on the 87th episode na.

“So, masaya kasi we’re ending this with 87 episodes na dapat ay 8 episodes lang, and we’re ending this with a smile, we’re ending this na proud kami, we’re ending this na naniniwala kami sa sarili namin na we did a great job.”

STEPPING STONE. Pareho naman sinabi ng onscreen love team na ang bonding nila kasama ang ibang tween stars ang pinakamami-miss nila.

“Kasi puro kami pasaway, e,” napapangiting kuwento ni Jake.

“Hindi naman lahat ‘yong iba lang. Sobra lang ano, sobrang mami-miss namin ‘yong jamming, ‘yong masaya kami, hindi kami nalulungkot.”

Bukod sa masasayang ala-ala na madadala nila sa pagtatapos ng Tween Hearts, ipinagpapasalamat din daw nila ang malaking tulong nito sa kanilang showbiz career.