Ang tambalan nina Bea Binene (left) at Jake Vargas (right) ang napili ng GMA Films na magbida sa kanilang “first TV production and morning drama series” na Cielo de Angelina.

Photo: Noel Orsal

Siya’y makikita ni Sister Margaret (Gloria Romero), at papalakihin kasama ang iba pang mga inabandunang bata.

Magiging matalik na kaibigan ni Angelina si Julie (Ashleigh Nordstorm), at magiging kuya-kuyahan si Marco (Jake).

Ngunit matapos ampunin ng ibang pamilya si Julie ay magiging malungkutin si Angelina at mapapalapit ang loob kay Marco. Tutulungan ni Marco si Angelina na alamin ang tunay na dahilan kung bakit siya inabanduna ng kanyang mga magulang.

Ngunit habang naghahanap ng kasagutan mula sa opisina ni Sister Margaret ay magkakaroon ng sunog sa isang bahagi ng ampunan, na magiging sanhi nang pagpanaw ng mother superior.

Matapos ang sakuna ay aampunin si Angelina, at mabubuhay na minamaltrato ng step-mother niyang si Czarina (Isabel Granada) at step-sister na si Rhoda (Yassi Pressman).

Muling magkukrus ang landas nila ni Marco, ngunit kaakibat nito ang ilang mga katanungan: masasabi na ba ni Marco ang tunay niyang nararamdaman para kay Angelina? Malaman na kaya nila kun sino ang tunay na mga magulang ni Angelina, at kung bakit siya inabanduna ng mga ito?

Ang iba pang makakasama nina Bea at Jake sa drama series na ito’y sina Roxanne Barcelo, Victor Basa, Jessa Zaragoza, Hiro Magalona at Mico Palanca.

Mapapanood ang “family drama series” ng GMA-7 na Cielo de Angelina simula Oktubre 22, Lunes hanggang Biyernes, bago mag- Eat Bulaga!