Isang team ang natanggal mula sa The Amazing Race Philippines dahil sa paglabag sa rules ng naturang reality adventure show.

Noong unang leg ay natanggal ang dating couple na sina Crystel Castro at Mykey Lacson.
 
Sa second leg ng competition ng TARP, naglaban-laban ang mga teams sa Vigan, Ilocos Sur.

Pinag-usapan ang November 3 episode dahil sa detour kunsaan kailangang mamili ang teams between gawa or nguya.

Kung nguya ang kanilang pipiliin, kailangan nilang kumain ng 70 piraso ng Vigan longganisa samantalang sa gawa ay kailangang gumawa ng 2 dosenang longganisa.

Naging kontrobersiyal ang episode dahil sa bangayan ng Bombshells Team na sina Danielle "Dani" Castaño at Mish Van Ruvyen.

Nagkaroon ng mainitang sagutan sa Twitter sina Dani at Mish makaraang ipalabas sa TARP ang kanilang detour task. Matapos piliin ang “gawa,” naiwan ang vegetarian na si Dani sa pagkain ng longganisa dahil hindi raw siya tinulungan ng partner na si Mish.

Noong November 5, sinabi ni Dani sa Twitter, "I said il eat everything but dammmmnnn i didnt know she wasnt gonna help at all and feel bad. Hay gamitin ang utak! #AmazingRacePH #true"

Nag-post rin si Dani na: "If you want to win you will do anything even if you dont like it! No pan! No gain! #competitive #AmazingRacePH"

Sumagot naman si Mish, "Hmmm, then why didn't we stick with the agreed upon longanisa making??!!!! lol #AmazingRacePH"

Sinabi naman ni Dani kay Mish: "u couldve help me eat the longanisa.if we made it wrong we gotta do it again.u saw me struggling u should've help #AmazingRacePH"

Katwiran naman ni Mish: "I was not ok with eating at all. we discussed this &agreed to choose 'make'. u wudn't even try2 help make b4 begging 2eat."


PENALTY FOR FOOTBALL BROTHERS. Sa episode kagabi, November 6, pinakita ang mga teams na nagdala ng mga clay pots (burnay) gamit ang isang kariton, naglaro ng pukpok palayok at nag-rappel mula sa Quirino Bridge.


Para sa road block, kinailangang mag-rappel ng isang team member mula sa Quirino bridge samantalang nag-kayak naman ang isa pang team member upang makuha ang kanilang susunod na clue.

Ang unang team na nakarating sa pit stop sa St. Paul's Cathedral ay ang Gym Buddies team na sina Marc Duñgo at Kat Tan.

Pang-apat na team ang Football Brothers team na sina Anton at Armand del Rosario ngunit hindi agad sila pinag-check in ng host na si Derek Ramsay sa pit stop.

Huling nakarating sa pit stop ang Alabang Housewives team na Pam Spella and Vanessa Ishitani at naiyak sila nang malaman na kahit huli sila ay hindi sila eliminated mula sa TARP.

Sabi ni Derek Ramsay sa magkapatid: "Anton, Armand this is your opportunity to explain bakit n'yo ginawa, why you contacted someone outside the race."


Anton admitted: "It's my fault, my stupidity. We were cooped up in the room. I just wanted to send out a message to my mom. Just sent a message out saying hi. And that's it."

Pagpapatuloy ni Derek, "You did very well. You came fourth in the pit stop.

"You will be receiving a time penalty of 24 hours. With that, I have to eliminate you from the race."

Ayon sa rules ng The Amazing Race Philippines: "A team may make direct use of public telephones for race purposes only (and not for any type of personal or private communications) when and only when it is its assigned production crew is supervising such use of such public telephone."


Si Anton ay gumawa ng phone call upang kausapin ang kanilang ina.


Sa post-race interview, inamin ni Anton: "It's something so simple but it was breaking the rules. I deserve any punishment given."


Bilang reaction, sinabi naman ni Armand: "It was such a big disappointment. We had such high hopes."


Anton told his older brother, "Let's not sugarcoat anything. I messed up. I'm sorry."

Niyakap ni Anton ang kanyang kapatid samantalang si Armand ay nag-pout ng mga labi as if hahalikan ang kanyang kapatid.


Ang mga natirang teams ay aakyat sa isang bulubunduking lokasyon: ang Kadchog Hanging Bridge sa Bontoc.

Matapos ang dalawang legs, nine teams pa ang nagko-compete sa reality adventure show na ito.

Mapapanood ang The Amazing Race Philippines sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes at 9 PM at tuwing Sabado at 8:30 PM sa TV5.