(L-R) Max Collins, Dingdong Dantes and Lorna Tolentino have a love triangle in GMA-7's upcoming primetime series Pahiram ng Sandali.

Isa sa mga pinag-usapang eksena sa trailer ng Pahiram ng Sandali ay ang kissing scene nina Dingdong Dantes at Lorna Tolentino.

Sa naturang eksena, mukhang lasing ang karakter ni Lorna at siya pa ang nag-initiate ng kiss nila ni Dingdong habang nasa buhangin sila ng isang beach.

“Parehong in high spirits kami!” bulalas ni Dingdong nang makapanayam siya ng media sa November 20 presscon ng GMA-7 primetime series na ginanap sa Cocoon Hotel. Directed by Maryo J. delos Reyes, ang Pahiram ng Sandali ay ipapalabas simula Lunes, November 26.

Ano ang pakiramdam ni Dingdong bago nila gawin ang eksenang iyon?

“Sa totoo po, kinakabahan po ako. Isang karangalan para sa akin na maka-eksena si Ms. LT [Lorna Tolentino], lalo na makasama siya sa isang kissing scene.

“Kumbaga mixed feelings siya. Siyempre di mo alam ang nararamdaman mo pero more on sa excitement at kaba,” ani Dingdong.

“Nahihiya po akong magkamali kasi alam po natin kung gaano siya kahusay.”

Naka-ilang takes sila para sa kanilang kissing scene? “Isang take yun…actually dalawa kasi nagpalit ng anggulo. Basically isang pasada lang po.”

LORNA AS EDITOR. Sa naturang teleserye, si Ms. LT ay gaganap bilang si Janice, ang editor-in-chief ng isang tabloid. Asawa niya si Phillip (Christopher de Leon) ngunit mahuhuli niya ito na may kabit na ibang babae.

Si Janice ay magiging malapit sa photojournalist na si Alex (Dingdong).

Nang tanungin si Ms. LT tungkol sa kanyang kissing scene with Dingdong, kuwento nito: “Ang daming tao doon! Diyos ko naman, ang kamera… lahat—nandiyan…

“Lasing pa ako kunwari nun, di ba? So, wala, wala.”

Ninerbiyos ba siya nang gawin niya ang kissing scene with a much younger man?


“Ninerbiyos ako, pero I make use of my nervousness. Ginagamit ko yun para maging mas mahusay.

“Kailangan meron akong konti nun, e, para maging mahusay yung performance mo.

“Maibubuwelta mo doon yung tensyon mo—mabubuwelta  mo ng maayos at maganda, parang workshop lang.”



ON MAX COLLINS. Sa kuwento ng Pahiram ng Sandali, ang karakter ni Dingdong na si Alex ay may kababata na kanyang minahal dati pa: si Cindy (Max Collins).  

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang bagong leading lady, sinabi ni Dingdong: “Si Max kasi yung character niya medyo aggressive. Lumaki siya sa America kaya liberated siya ang kanyang pananaw.”