Sunshine Dizon's hard work and sacrifices in Bakekang pays off because she will also play the lead role in GMA-7's upcoming drama series, Impostora. This photo was taken during the press con of Bakekang last year. Photo: Noel Orsal


Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hanggang last week na lang pala ng March ang GMA-7 primetime drama series na Bakekang. Kahit mataas ang rating nito at puwede pang pahabain ang istorya ay hindi na pupuwede dahil inihahanda na ang Lupin ni Richard Gutierrez, na siyang papalit sa iiwanang timeslot ng Bakekang.



Dapat ay 18 weeks lang ang itatagal ng Bakekang, pero na-extend ito hanggang 23 weeks. Dahil pa rin sa public clamor, na-extend ito for another six weeks hanggang sa umabot ito ng 29 weeks. Not bad for a show na hindi pa man umeere ay tinuldukan na ng isang entertainment columnist na magpa-flop dahil hindi raw sikat ang bidang si Sunshine Dizon.



Gagantimpalaan ng Kapuso Network ang galing na ipinakita at dedikasyon ni Sunshine—na pumayag magpataba para sa role niya bilang Bakekang— dahil may kasunod na siyang project sa GMA-7. Sa kanya ibibigay ang Impostora, isa sa mga in-announce na bagong drama ng Siete sa pakikipag-dialogue nila sa entertainment press a few weeks ago.



Pinayuhan nang magpapayat si Sunshine ng GMA-7 management dahil her role calls for it, kaya huwag kayong magugulat if one of these days, a slimmer Sunshine ang makikita ninyo. Hindi pa complete ang cast, pero isa sa kasama niya sa Encantadia ang tiyak na makakasama niya rito.



Balita pa namin, the same production people ng Bakekang ang makakatrabaho ni Sunshine sa Impostora. Excited na ang lahat na simulan ang project na mas mas maganda pa raw sa Bakekang.