Sunshine Dizon (left) and Iza Calzado will play the lead roles in GMA-7's upcoming drama series, Impostora. Photo: Noel Orsal


Almost complete na ang casting ng bagong soap ng GMA-7, ang Impostora.

 

The comeback primetime soap of Direk Maryo J. de los Reyes sa Kapuso Network, Impostora will also serve as the reunion of Sunshine Dizon and Iza Calzado, who co-starred sa dalawang primetime soaps ng GMA-7, ang Kung Mawawala Ka at Encantadia.

 

Prior to Impostora, ang last soap ni Sunshine ay ang Bakekang samantalang si Iza naman ay huling napanood sa Atlantika

 

Sa Monday, April 16, na ang story conference ng Impostora at sa April 18 naman naka-set ang first taping day nila.

 

Bukod kina Sunshine at Iza, kasama rin sa cast ng Impostora sina Alfred Vargas, Mark Anthony Fernandez, Luis Alandy in his comeback show sa GMA-7, and the StarStruck IV tandem of Mart Escudero and Rich Asuncion. Ito bale ang first project attached to Rich and second naman kay Mart after The Boys Next Door, kung saan si Kris Bernal ang makaka-love team niya.

 

Also in cast is Jean Garcia who confirmed sa press con ng Who's Your Daddy Now? na comeback soap niya rin ito as a villain. Before she moved to GMA-7, kontrabida ang madalas niyang labasan sa ABS-CBN soaps, like her antagonist role in Pangako Sa ‘Yo.

 

Dalawang bida characters kasing magkasunod ang ginampanan ni Jean after moving to GMA-7, ang Majika at Atlantika. Ito rin bale ang first non-fantasy soap ni Jean sa Kapuso Network.

 

Another big news about Impostora, napayagan na rin pala ni Jean na mag-artista ang panganay niyang anak na si Jenica Garcia, anak niya sa dating matinee idol na si Jigo Garcia. Jenica will receive her baptism of fire sa Impostora bilang ka-love triangle nina Mart at Rich.

 

Impostora will replace Asian Treasures in June.