Young actress Marian Rivera might get the role of her lifetime because she is reportedly the choice of GMA-7 to play the title role in Marimar. Photo: Noel Orsal


Wala pang inilalabas na formal announcement ang GMA-7, pero mukhang "in the bag" na ang title role as Marimar sa gagawing Pinoy version ng phenomenal Mexican telenovela noong ‘90s.

 

Ilang Kapuso sources na ang nagkumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang masuwerteng dilag na gaganap sa papel na pinasikat ng Mexican star na si Thalia ay ang young star na si Marian Rivera.

 

Naunang napabalita na si Angel Locsin ang magbibida sa local version ng Marimar. Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP, originally intended for Angel talaga ang nasabing project, kaya lang ay nagpaalam daw itong magpapahinga muna at pupunta ng London para mag-aral ng fashion design (and eventually put up her own sports line).

 

Idinahilan din ni Angel na hindi raw siya marunong kumanta at sumayaw, na requirement para sa role ni Marimar. Kaya ang nangyari, nagpa-audition ang Siete para sa nasabing papel at kabilang diumano sa mga nag-audition sina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Karylle, at si Marian.

 

Ayon sa Kapuso source ng PEP, hindi na hinabol pa ng GMA management si Angel at hinayaan na lang ito sa kung anong gusto nitong gawin. May narinig din kaming bali-balita na tila nanlalamig na raw ang Siete kay Angel dahil sa kung anu-anong desisyon nito.

 

Maliban doon ay nahihirapan na rin daw silang kausap ang manager ni Angel na si Becky Aguila. Malaking kuwestiyon din kung bakit all of a sudden ay naisipang mag-aral ni Angel gayong namamayagpag ang career nito.

 

"Mag-aaral siya ng fashion design now that her career is doing very well? Anong klaseng career planning ‘yon? And does she excel in that field? Showbiz is where she really excels in, so she should continue acting! Sa tingin ba niya, kukunin pa siyang product endorser kung wala nang plano sa kanya ang GMA?!" mariing bulalas ng Kapuso source ng PEP.

 

It seems like Angel's loss is Marian's gain. Masuwerte si Marian kung totoo ang narinig namin na gagawin ng Siete ang lahat para i-build-up siya katulad ng ginawa kay Angel.



Aside from her acting, napag-alaman ng PEP na na-impress nang husto kay Marian ang GMA bosses nang mag-bikini ito sa audition dahil lumabas daw ang ganda at kaseksihan ng dalaga. Ang galing din daw nitong sumayaw at kumanta kaya bagay na bagay rito ang Marimar role.



Doon sa mga nagsasabing mature na ang beauty ni Marian at tumanggap na ito ng mother role, ang katuwiran ng Kapuso source ng PEP ay puwedeng-puwede raw i-repackage at i-reinvent ang tisay na dalaga na may hawig kay Rosanna Roces.

 

Ang maganda pa raw kay Marian ay makinis ang kutis niya, malaki ang boobs, at malakas ang appeal sa mga lalake.

 

Just like Thalia may Hispanic blood din si Marian dahil sa kanyang Spanish father. Sa Madrid, Spain, siya ipinanganak at ilang beses na siyang nakapunta roon to visit her dad.

 

Kung matutuloy si Marian bilang Marimar, makakasama niya sa cast sina Dingdong Dantes (bilang leading man ni Marimar na si Sergio Santibañez), Richard Gomez (as Renato Santibañez), at Bing Loyzaga (as Angelica Santibañez).

 

Sa July magsisimula ang nasabing teledrama na ididirek ng nagbabalik-GMA-7 na si Bb. Joyce Bernal.

 

Samantala, tinanong ng PEP kay Direk Joyce kung sure na ngang si Marian ang napiling gaganap na Marimar. According to her, tapos na ang auditions pero next week pa magdedesisyon kung sino ang final choice for the role.

 

Ayon naman sa isang GMA-7 executive who requested anonimity, "Si Marian ang pinakamalakas, pero wala pang official na approval from the board. Mga eighty percent na siya!"

 

Sa isang interview kay Angel, sinabing ang alam niya ay si Marian na ang nakuha for the part. Happy raw si Angel na si Marian ang napili dahil bagay rito ang role ni Marimar.