Cherie Gil likes the outrageous outfits she wears for her role in Magic Palayok.

 

"Di ba? Si Shahani Gania ang stylist namin. Lagi akong may feather, may boa, may sombrero. Masaya," she says.

Photo: Noel B. Orsal

Isa na namang kontrabida ang isasabuhay ni Cherie Gil sa Magic Palayok, ang bagong soap opera ng GMA-7. Pambata ang Magic Palayok at ito ang ipapalit sa Bantatay na matatapos na ngayong Biyernes.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cherie sa grand presscon ng Magic Palayok kagabi, February 22, na ginanap sa Studio 7 sa GMA-7 compound.

Napansin agad ng PEP ang outlandish at over-the-top costume ng popular character actress. Sabi ni Cherie, bagay na bagay ito sa role niya bilang si Yvonne, ang magpapahirap sa karakter nina Carla Abellana, Geoff Eigenmann, at ang child star na si Angeli Nicole Sanoy.

"Masaya 'tong papel ko rito because, even if I have to play the bad guy again, pambata. So, Walt Disney naman ang dating. So, very cartoonish. Kahit yung mga looks namin, very exaggerated. Mala-Cruella De Vil. So, lahat yun, ino-OA ko ngayon. I'm having a lot of fun because a lot of the scenes are really funny," pahayag niya.

Natutuwa raw siya sa mga outfit na lagi niyang sinusuot.

"Di ba? Si Shahani Gania ang stylist namin. Lagi akong may feather, may boa, may sombrero. Masaya," sabi niya.

 

LOSING HER VOICE. Nauna nang napabalita na nais ni Cherie na ipagamot ang kanyang lalamunan sa New York, ngunit naudlot ito nang magdesisyon siyang gawin muna ang Grazilda, ang primetime series ng GMA-7 na pinagbidahan nina Glaiza de Castro at ng pamangkin ng aktres na si Geoff Eigenmann. (CLICK HERE to read related story.)

 

At dahil sa Magic Palayok ay mauudlot na naman ang kanyang pagpapagamot. Ayon kay Cherie, hindi niya kasi matanggihan ang trabaho na ibinibigay sa kanya.

 

Pinipigilan na lang niya ang kanyang sarili na magsalita para maisalba ang kanyang nawawala nang boses.

"Kasi as along as there is a work offer, sige na lang, basta may boses pang lumalabas. But when I'm on the set, I really try to shut up as much as possible. Kasi parang rasyon ang boses ko," saad nito.

Pagpapatuloy niya, kailangan niyang pagplanuhan ang pagpapagamot dahil maiinip siya sa pagpapahinga matapos ang operasyon.

"Because if I do my operation, I have to rest for three to six months. Parang mabubugnot yata ako nun. So, I'm preparing for that. Maybe should I do it, I'll probably be able to stay with the kids in the States, but I need to keep myself busy.

"I need to have timing siguro sa school, maybe I'll go back to university, or do something. Because I cannot not do something for six months. No way! Ano ako, e, kiti-kiti," paliwanag niya.

Ano ba ang problema sa kanyang boses?

"Na-overuse ko na talaga... Hindi naman, medyo lang. Sometimes. Kasi ever since, paos na talaga ako.

"Ang vocal cords kasi natin, dapat diretso 'yan, e. Sa akin may blister. Kumbaga, napaltos na, yung masikip.

"That's why when I hear young singers now who try to belt, and try to force their voices to sing Mariah Carey, naaapektuhan ako. Sometimes they are not meant to sing high. Ganun nasira ang boses ko," sabi ng mahusay na aktres.

Ngunit kahit ganito ay hindi niya nililimitahan ang kanyang sarili sa pag-arte.