From left, ER Ejercito (Asiong Salonga: Manila Kingpin), Angel Locsin and Aga Muhlach (In the Name of Love), and Anne Curtis (No Other Woman) were all cited by PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) for their acting chops. Awards night is on April 28, Saturday, at Angelicum College in Quezon City.

Photo: File Photos

Inilabas na ng PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) ang mga nanalo sa kanilang 14th Gawad Pasado 2011 noong Abril 13, 2012 sa National Teachers College sa Quiapo, Manila.

Sa pamamagitan ng isang presscon, pinangunahan ng kanilang presidente na si Professor Emmanuel Gonzales ang pag-anunsiyo ng mga pinalad at napili ng kanilang samahan upang parangalan sa kanilang taunang pamamahagi ng award para sa pelikula.

Big winners ang mga pelikulang In the Name of Love ng Star Cinema at ang indie film na Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ng FDL Entertainment na parehong nakakopo ng anim na parangal.

Humakot din  ang Asiong Salonga: Manila Kingpin ng Scenema Concepts dahil sa apat na awards na napanalunan ng pelikula, samantalang dalawang parangal naman ang nakuha ng No Other Woman ng Viva Films at Star Cinema.

Nakasungkit din ng isang award ang Segunda Mano ng MJM Productions at Agosto Dos Pictures.

Nagtie sa PINAKAPASADOng Aktres sina Angel Locsin (In the Name of Love) at Anne Curtis (No Other Woman), ganundin sina Aga Muhlach (In the Name of Love) at ER Ejercito (Asiong Salonga:Manila Kingpin) para naman sa PINAKAPASADOng Aktor.

Surprise winner naman si Bangs Garcia bilang PINAKAPASADOng Katuwang na Aktres para sa kaniyang pagganap bilang kalog at kikay na kaibigan ni Kris Aquino sa pelikulang Segunda Mano. Ito ang kauna-unahang nominasyon at panalo ni Bangs na hindi napansin ng ibang award-giving bodies na una nang namahagi ng awards.

Bukod sa acting awards, mamahagi rin ang PASADO ng mga special awards at kabilang dito sina Roy Iglesias na napili bilang PINAKAPASADOng Natatanging Guro, Kim Chui at Enrique Gil bilang PINAKAPASADOng Dangal ng Kabataan, habang si Xyriel Manabat naman ng programang 100 Days to Heaven ang nagawaran ng PINAKAPASADOng Simbolo ng Kagandahang Asal. 

Sina Governor Vilma Santos-Recto at Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. naman ang napili para sa Gawad PASADO sa Serbisyo Publiko at ang Gawad PASADO sa Kamalayang Panlipunan ay ipinagkaloob kina Richard Gutierrez at Kim Atienza.

Ang PINAKAPASADOng Pelikula sa Paggamit  ng Wika ay nakamit naman ng pelikulang Thelma ng Star Cinema.

Ipagkakaloob naman kay Eddie Garcia ang Dangal PASADO Lifetime Achievement Award.



Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo. Ang awards  night ay gaganapin Sabado, Abril 28, 6 p.m. sa Angelicum College, Quezon City.



PINAKAPASADOng Pelikula:
In The Name of Love (Star Cinema)
Asiong Salonga: Manila King Pin (Scenema Concepts)
Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (FDL  Entertainment)


PINAKAPASADOng Direktor:
Olivia M. Lamasan (In the Name of Love)
Alvin Yapan (Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)


PINAKAPASADOng Aktor:
Aga Muhlach (In the Name of Love)
ER Ejercito  (Asiong Salonga: Manila King Pin)


PINAKAPASADOng Aktres:
Angel Locsin (In the Name of Love)
Anne Curtis (No Other Woman)


PINAKAPASADOng Katuwang na Aktor:
Paulo Avelino (Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)


PINAKAPASADOng Katuwang na Aktres:
Bangs Garcia (Segunda Mano)  


PINAKAPASADOng Istorya:
Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (Alvin Yapan)
In the Name of Love (Enrico Santos  at  Olivia M. Lamasan)


PINAKAPASADOng Editing:
In the Name of Love (Marya Ignacio)


PINAKA PASADOng Sinematograpiya:
Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (Arvin Viola)


PINAKAPASADOng Dulang Pampelikula :
No Other Woman (Kriz G. Gazmen at Ricardo Fernando III)


PINAKAPASADOng Disenyong Pamproduksyon:
Asiong Salonga: Manila King Pin (Fritz Silonio)


PINAKAPASADOng Paglalapat ng Tunog:
Asiong Salonga: Manila King Pin (Albert Michael Idioma)


PINAKAPASADOng Musika:
Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (Victor Robinson III)