news

(UPDATED) Why is Katrina Halili tweeting "Masama ang loob ko"?

by Karen A. Pagsolingan posted on April 16, 2012  STATS: 115461 Views | 513 Comments

On Twitter, Katrina Halili hints at brewing feud with Marian Rivera. On the set of My Beloved, however, PEP sources say it's not the latter who's picking a fight.

Photo By: Noel Orsal & Gorgy Rula

Bakit masama ang loob ni Katrina Halili kay Marian Rivera?

Binanggit ni Katrina sa Twitter na may taong “nai-insecure pa din” sa kanya kaya mas pipiliin na lang niyang mamatay ang kanyang karakter na si Emmy sa My Beloved.

Sinabi rin niyang "5 years ago. nangyari na ito," at hanggang ngayon ay "hate" pa rin siya nito.

Hindi nagbanggit ng pangalan ang Starstruck Batch 1 alumna pero natukoy kaagad ng mga followers nito na, diumano, si Marian ang dahilan kung bakit "masama ang loob" niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi rin nagbigay ng anumang detalye si Katrina kaya may ilang nagulat sa kanyang tweets.

Nakakalap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa dalawang sources na nakakasalamuha ng dalawang aktres.

Nitong nakaraang Miyerkules, April 11, nagkaroon ng birthday party para sa veteran actress na si Nova Villa, co-star ng dalawa sa My Beloved.

Bago umalis si Marian, nakita ng isang source na nagpaalam ito sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, maliban daw kay Katrina.

Ang dahilan: "Nagtalukbong" daw kasi ang huli.

Nitong Biyernes, April 13, nag-tape sila ng eksena na merong sampalan.

Ang dapat sanang "daya" ay naging makatotohanan dahil talaga raw sinampal ni Katrina si Marian—kahit pa taliwas ito sa instruction ng direktor na si Dominic Zapata.

Hindi alam ng dalawang sources ang pinanggagalingan ng tweets ni Katrina, pero ang sapantaha ng isa ay: "Hindi kaya pinaglilihian niya si Marian?"

Kasalukuyang four months pregnant si Katrina.

ANOTHER SOURCE SPEAKS UP. Upang makakalap ng mas maraming datos tungkol sa mga pangyayari, isa pang witness ang aming kinausap.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

513 Comments

  • 213  alexis2222

    04/16/2012 | 10:32 PM
    ang cheap ng gimik ng taobserye na'to... pang starlet lang ang peg... awayan... hahahah ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 212  MikeShaw2

    04/16/2012 | 10:32 PM
    The point is its not Marian Rivera ang inaapi! Sya ang nang-aapi! Kabata-bata pa nya para na syang si Anabelle Rama sa pagka maldita! Pero sabi nga ni Marian noon, malalampasan nya rin etong intrigang to, kasi suportado sya ng mga panatiko nya. At tama sya dyan, kahit di na nya baguhin ang masama nyang ugali...hahangaan nyo pa rin sya. So go Marian! Go pa pagiging salbahe mo sa totoong buhay. Nag-iisa ka sa trono mong yan! Kung may Diamond Star, at may star for all season, ikaw star for all SELOS! GO MARIAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 211  pearl102

    04/16/2012 | 10:29 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 210  pearl102

    04/16/2012 | 10:25 PM
    Miss Karen A. Pagsolingan...sabi ni MIKESHAW binayaran ka daw sa mga isinulat mong ito dahil lumalabas na pabor kay Marian itong article mo! Anong masasabi mo dito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 209  ellenmar_123

    04/16/2012 | 10:24 PM
    mikeshaw hinay hinay naman tingnan mo naman ang ugali ng mga naninira kay Marian parang katulad mo rin kahit sabihin ninyo na palengkera si Marian at walang finesse ok lang sa amin dahil katulad ni Marian galing din kami sa hirap at kung may mang aapi sa amin hindi rin kami paapi, the fact na marami siyang tao na natulungan at napasaya enough na sa amin. Kaya nga masinop siya sa kanyang pera dahil alam niya na ang kasikatan ay hindi panghabambuhay. Please stop maligning Marian because we will always defend for her. Galit lang kayo kay Marian dahil taga ABS CBN kayo gusto nyo lang sirain si Marian. Pero mas lalo ninyo lang siyang pinasikat. Anyway, thanks na rin siguro sa inyo, hay ... mahirap sa tao ang sobrang inggit kaya peace na rin sa yo and God bless.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 208  MikeShaw2

    04/16/2012 | 10:21 PM
    May bagon balita! Si Marian may inaway na nanaman. Nakita nya na kinagat si Dingdong Dantes ng babaeng lamok...ayon! Nagwala si Marian sa sobrang selos dun sa lamok. Ano ba yan!!!??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 207  pearl102

    04/16/2012 | 10:18 PM
    202 MikeShaw2 04/16/2012 | 10:09 PM Para naman kayong bago sa showbiz! Lahat dito nababayaran. Im sure yang mga na "Clear" kuno ng side ni Marian ay naabutan na yan. Bakit ngayon lang ba nangyari to? Ang dami na ng complains sa kanya, ano sinasabi nya "Wala! Ewan..masaya naman kami sa set! Ok kami lahat"...OK ba yung hinaharass mo yung mga ka eksena ng bf mo! Sana pagsabihan mo si Dingdong...from now on, gay roles na lang ang gaganapin nya! Para di ka na magselos Marian. Baka mamya ma stroke ka na nyan sa kakaselos mo--------------------------------Anong HINAHARASS ang pinagsasabi mo DIYAN?? Kung gusto mong malaman kung anu ang nangyayari sa set eh di MAGBANTAY ka, marami ng HIDDEN KHAM ngayon na puedeng gamitin..tapos kung meron kang nakita eh di IBENTA MO SA DOS tiyak kong kakagatin nila iyan! Kung gusto mo pa iphotoshoppe mo pa or i videoshoppe mo yung lalong madidiin si Marian...di ba iyon naman ang gusto nyo?? Ang hirap sa inyo DAKDAK ng DAKDAK dito eh hindi naman gumawa ng WA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  lostris

    04/16/2012 | 10:17 PM
    malalaman mo kung sino masama o hindi. ung masama talaga ugali, minamalas dba, heart, bela, sam, katrina? yung mababait, puro blessings, dba marian?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  chin12

    04/16/2012 | 10:14 PM
    parehas kami ng problema ni MR...nangiinit din ang ulo ng clsm8 ko nun skin..ndi ko alam kung bakit s twing nkikita nia ako nangiinit agad ang ulo nia...wala naman akong ginagawang masama sa kanya..pero nlaman ko n buntis pala sya...kaya ndi ko rin pinatulan ang bruha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 204  winonao1

    04/16/2012 | 10:11 PM
    asus ang bait na nga ni marian eh sya pa rin etong masama napaghahalatang sadyang mga HATERS lng talaga hahaha! if i know kung sila ang nasa sa sitwasyon ni marian baka pinatulan nila ang buntis lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 203  MikeShaw2

    04/16/2012 | 10:09 PM
    Para naman kayong bago sa showbiz! Lahat dito nababayaran. Im sure yang mga na "Clear" kuno ng side ni Marian ay naabutan na yan. Bakit ngayon lang ba nangyari to? Ang dami na ng complains sa kanya, ano sinasabi nya "Wala! Ewan..masaya naman kami sa set! Ok kami lahat"...OK ba yung hinaharass mo yung mga ka eksena ng bf mo! Sana pagsabihan mo si Dingdong...from now on, gay roles na lang ang gaganapin nya! Para di ka na magselos Marian. Baka mamya ma stroke ka na nyan sa kakaselos mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 202  pearl102

    04/16/2012 | 10:08 PM
    199 MikeShaw2 04/16/2012 | 09:58 PM And it only shows kung gaano kadumi ang showbiz. Yung masasamang tao, pinapabait nila! Sa dami na nang nag complain sa kanya, ginigiit pa rin nila na mabait sya. Baka nasiraan ng bait? Pano ba pinalaki to ng Nanay at Lola nya at napaka salbahi na tao!------------------Kinukuwestion mo kung paano ba ito pinalaki ng LOLA at Nanay niya??? Pinalaki siyang maayos ng INA at LOLA nya. Binigyan ng magandang edukasyon bago ito pinagtrabaho. Hindi katulad ng IBA diyan na ginagatasan ng pamilya. Kaya naman nabibili nyang lahat ang gusto nya...sarili niya ang kanyang income pero hindi sakim dahil tumutulong siya sa dapat mabigyan ng tulong. Yung mga na involve sa issue kay Marian, bakit hindi mo kuwestyunin ang kanilang mga PAGKATAO?? Anong klaseng tao or babae ba ang gumagawa ng issue against kay Marian?? Oh right para sa yo si MARIAN lagi ang mali at yung mga babaeng ginawan siya ng issue ay mga ANGHEL pati mga MAGULANG NILA MGA ANGHEL!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 201  pearl102

    04/16/2012 | 09:59 PM
    Over naman ang drama nitong MIKESHAW na ito. Makapatay naman ng tao?? Binasa mo ba kung ano ang reason ng pagsisintimyento ni buntis?? Hindi naman sa SELOSAN kung hindi sa pagka UNPROFESSIONAL ni Katrina. Hindi na nga lang pinansin dahil pinagbibigyan siya at buntis nga..tumahimik na lang siya...MASAMA pa rin ang ginawa niya sa inyo?? Ano na lang kaya kung pinatulan niya yung buntis?? Tsk tsk tsk...kayong mga NEGA kahit na anong maging ISSUE kay Marian ang mga saarado ang UTAK pero kapag mga IDOLO nyo ang gumawa ng kapalpakan kung TODO depensa rin kayo!! Huwag kayong maging ip0krita at ip0krito hhmmmppp!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 200  MikeShaw2

    04/16/2012 | 09:58 PM
    And it only shows kung gaano kadumi ang showbiz. Yung masasamang tao, pinapabait nila! Sa dami na nang nag complain sa kanya, ginigiit pa rin nila na mabait sya. Baka nasiraan ng bait? Pano ba pinalaki to ng Nanay at Lola nya at napaka salbahi na tao! At Dingdong Dantes, mapapagod ka rin sa kakatanggol dyan sa girlfriend mong walang Urbanidad! Next time na may magreklamo, Im sure babaliktarin na naman nila. Sana lang wag kang matulad kay Osang ha? Na sobrang taas magsalita noon, kala mo di na malalaos... lahat nilalait, lahat inaaway. May hangganan ang lahat Marian, tandaan mo yan. Hindi ka forever sikat at bata at maganda. Bata-bata mo pa eh ka level mo na sina Anabelle Rama at Daisy Romualdez sa pagka palengkera. MARIAN RIVERA HAS NO FINESSE! Para kang hindi babae.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 199  MikeShaw2

    04/16/2012 | 09:50 PM
    tsk.tsk.tsk siguro kahit makapatay pa ng tao tong si Marian Rivera sa sobrang pagseselos, ay babaliktarin pa rin nila. Pano kasi, pinangkakakitaan nila! Kung sobrang bait kaya nito sa tingin nyo gusto mawalan ng trabaho ang makakasama nya para lang intrigahin sya? Hindi ka forever magiging sikat Marian, time will come tatanda ka rin, may mga mas bata at mas magaganda na papalit sa yo. Sa sama ng ugali mo kahit, commercial ng mosquito killer walang kukuha sayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 198  MikeShaw2

    04/16/2012 | 09:45 PM
    Nabaligtad na naman! Well folks, sa totoong buhay ang mga masasama naman talaga ang nananalo. Kadalasan talaga yung mga nang-aapi patuloy na mang-aapi. Ganyan naman talaga eh. But that does not erase the truth that Marian Rivera is mean spirited person! She's a bully! Roles nya sa tv at sa movies mabait pero in real life napaka salbahe nya na tao! Saksakan ng pagkaselosa, kaya inaaway lahat ng madikit lang sa bf nya. Next time na may mag reklamo? Ano na naman kaya excuse ng kampo nya? Bakit sa lahat ng artistang bida sya lang ang nirereklamo na masama ang ugali?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 197  pinaypay2

    04/16/2012 | 09:43 PM
    It only goes to show kung gaano ka cheap itong si Halinghing. Kung may sama ka ng loob sa tao kausapin mo at sabihin sa kanya in person.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 196  ellenmar_123

    04/16/2012 | 09:37 PM
    Thanks for clearing the issue. Kudos to Marian for not entertaining this issue dahil buntis si Katrina. Kaya ka pala pinagpala Marian dahil sa iyong pagpapakumbaba ikaw na nga ang nasampal ikaw pa itong nagpigil at pumunta na lang sa iyong dressing room. Yan ang professional actress. Katrina mahiya ka naman kay Marian ikaw na nga ang nakasakit kahit may instruction ng direktor na huwag patamaan si Marian sa pisngi, ginawa mo pa rin, at hindi ka pa ba masaya sa ginawa at sinisiraan mo pa siya sa tweeter, tingnan mo nakarma ka tuloy. Dami talagang naiinggit kay Marian, dahil maganda, primetime queen, mahal ng kanyang lola at mga magulang, guapo at edukado ang boyfriend, good tax payor, effective commercial endorser at napakakinis at napakaganda ng mukha. Kaya kayo diyan Marian haters mamatay kayo sa inggit, dahil Marian will continue to soar high with God's help.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 195  annieyt

    04/16/2012 | 09:22 PM
    naku katrina buti nakapag pigil syo c marian at di k din sinampal sinabi ng daya lang tinotoo mo n natural nakapgpigil sya kc nga buntis k .tapos nakuha mo pang mgtweet ano ka kumukuha ng sympathy sana kwinento mo sa tweet kung bakit ng ppigil lng syo c marian . di ung twwet k lng n basta lng sya ng ppigil syo. at bakit nmn sya maiinsecure syo hello ikaw ang my video sya wala . at ikaw buntis sya hindi . sa sobrang kadaldalan mo jan k nppahamak . kung tumahimik k n lang kc dati tungkol s video mo baka sikat k p ngayon buti p c maricar tumahimik lng now sikat n sya smantal ikaw ala n talaga career `ahas k kc s amo mo eh . tapos ng rreklamo k p.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  rhiamags

    04/16/2012 | 09:00 PM
    relax lang kayong lahat! gimik lang yan no! wag niyo na pataasin ang blood pressure niyo sa walang kwentang issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About