“Sana lang, hindi pa huli ang lahat para matutunan niya ang kanyang mga nagawang pagkakamali at magbago na siya ng ugali. Uulitin ko, mahal ko ang kapatid kong si Cristine. Ito lang ang naisip kong paraan para matigil na ang ginagawa niyang paninira, pambabastos, panghihiya, at pananakot niya sa akin," says Ara Mina (left) about her decision to file libel and grave coercion charges against Cristine Reyes (right).

Photo: Mike Caliwara & Noel Orsal

Seventeen pages ang haba ng complaint affidavit na isinumite ni Ara Mina sa Prosecutor's Office ng Quezon City kahapon, April 18, bilang ebidensiya sa sinasabi niyang pananakot at paninira diumano ng kanyang half-sister na si Cristine Reyes.

Libel at Grave Coercion ang mga reklamong isinampa ni Ara laban kay Cristine.

(CLICK HERE to read related story.)

TEXT MESSAGES FROM CRISTINE. Ayon sa salaysay ni Ara sa dokumentong sinumpaan niya sa harap ni Assistant City Prosecutor Ramoncito Bienvenido Ocampo, Jr., hindi lamang si Ara ang nakatanggap ng mga disturbing text messages mula diumano kay Cristine.

Isinangkot din daw ng young actress si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at ang ina ng huli.

Base sa complaint affidavit, narito ang ilan sa mga text messages diumano ni Cristine kay Ara:

“Lumayas ka na sa bahay mo! Lubog ka na sa utang! Nakakahiya ka! Pasosyal ka pa anu ka ngyaon? Pakainin ka ng kayabangan mo! Pakasalan ka sana ni Patrick para kahit paano guminhawa buhay mu, yu lang inaasahan mo sa buhay di ba? Makapangasawa ng mayaman! Nakakaawa ka! pero ako, hindi ako naaawa sa kagaya mo dahil wala kang kuwentang tao, kapatid, kaibigan.”  

“AYOKONG MAGPAKA-STRESS NG PANININGIL SA YO NG UTANG MO BILANG MAYAMAN NAMAN AKO DEDMA NA LANG PERO WAG MO ISIPIN NA NAAAWA AKO SA YO HA. MAS MAY UTAK LANG TALAGA AKONG SA YO KAYA KUKUNIN KO PA RIN KAHIT ANO MANGYARI ANG BAHAY NG HINUHULUGAN MO. MABULOK KA SA UTANG. WAG KA MAGALALA PALAGI KO IREREMIND SI PATRICK AT NANAY NIYA NA PAKASALAN KA SA LALONG MADALING PANAHON PARA NAMAN MAISALBA KA SA KANGKUNGAN. MAKATAKAS KA SA LAHAT NG UTANG MO. HAHAHAHAHAHA. POOR DIRTY ANIMAL.” 

“PASALAMAT KA BUSY AKO KAYA DI KITA MAHARAP. IKAW NAMAN ANYTIME DI BA? BILANG NAKANG**GA KA LANG SA KAMA. PAGAL*W NG PAGAL*W SA LALAKI. ITULOY MO YUN CULINARY MO PARA KUNWARI SOSYAL KA AT MAY PINAG-ARALAN KAHIT GALING ULIT YAN SA BULSA NG IBANG TAO. PARA MATAKPAN YUN MGA BAHO MO. KASO TOO LATE NA E, KASI KALAT KA NA SOBRA. KAYA HINDI KITA MAIPAGMALAKI KAHIT KELAN.”

“SO NILABAS MO NA SA FRIENDSHIP MONG MGA CHEAP REPORTERS? O MALAMANG CHINICHISMIS MO NA SA MGA KAIBIGAN MO. I KNOW FOR SURE IKAW ANG SOURCE BILANG YAN ANG GUSTO MO DI BA? ANG PAGUSAPAN, SIGE OK LANG, KAWAWA KA NAMAN E. PARA NAMAN MAALALA KA PA RIN NG MGA TAO NA BUHAY KA PA.”   

“LAOS KA NA KASI PASALAMAT KA DI NA AKO NAGTAWAG NG LAWYER KASI AKO MAY PINAPANGALAGAAN PANG CAREER, EH, IKAW? WALA NA, KASI SINIRA MO CAREER MO. BOBITA KA KASI. SISIRAAN MO AKO THRU MEDIA? I DON'T GIVE A SHIT GO ON! PARA NAMAN PAG-USAPAN KA POOR GIRL NA UMAASA NG KASAL SA KUNG SINO MAN ANG MAY PERA PARA MAISALBA BUHAY NIYA AT LUHO NIYA. SOCIAL CLIMBER KASI NA DI MAKUNTENTO SA KUNG ANUNG MERON. DI MO TANGGAPIN NA MAHIRAP KA PA SA DAGA!”


ARA’S STATEMENT. Masakit man sa kanyang kalooban, idinemanda ni Ara ang sariling kapatid bilang proteksiyon sa kanyang sarili.

Isang statement din ang inilabas ni Ara para ipahayag ang tunay na nararamdaman tungkol sa desisyon niya sampahan ng kaso si Cristine.

Ito ang nilalaman ng kanyang statement:

“Ako po ay nagsampa ng kasong Libel at Grave Coercion laban sa aking kapatid na si Cristine Reyes.

“Ang aking layunin sa kasong ito ay turuan ng leksyon ang aking kapatid na si Cristine.