Nadia Montenegro says before she decided to file charges against Annabelle Rama, she sought the help of her then friend Ruffa Gutierrez. “Siya ang unang-una kong sinabihan na, ‘Ruf, parang I want the kids na lang to go to school. Ruffa, I have problems with Tita Annabelle, can you help me? Ruffa, ganito-ganyan,’ nagsusumbong ako kay Ruffa. And I thought na, Raymond, Richard, Ruffa, would at least, you know, gumitna man lang... Wala, e. Siya [Ruffa] pa yung unang-unang nagmura sa ‘kin," says Nadia.

Photo: Melo Balingit / Noel Orsal

Halos sabay na nagsimula sa showbiz sina Nadia at Ruffa nung 1980s at naging malapit na magkaibigan bago nangyari ang pagsasampa ng kaso ni Nadia laban sa ina ni Ruffa na si Annabelle.

“Siya ang unang-una kong sinabihan na, ‘Ruf, parang I want the kids na lang to go to school. Ruffa, I have problems with Tita Annabelle, can you help me? Ruffa, ganito-ganyan,’ nagsusumbong ako kay Ruffa.

“And I thought na, Raymond, Richard, Ruffa, would at least, you know, gumitna man lang. Gumitna man lang at tumulong, since like they said, they’re part of the Royal Era management, di ba?

“Wala, e. Siya [Ruffa] pa yung unang-unang nagmura sa ‘kin.

“Hindi ko na alam kung saan ako nagkulang sa paghingi ng tulong sa kanila, na kausapin ang nanay nila,” sabi ni Nadia.

Sa sinabi naman ni Ruffa na hindi na sila puwedeng maging magkaibigan, sagot ni Nadia: “I will respect the judgment of my lawyer.

“We can be civil when the time comes, but I don’t think any crime will ever pay for the hurt and the pain that her family has caused me, and her mother.

"So, it’s gonna be difficult.

“Sa statement niya, I agree with that. Kasi siya ang unang bumitaw sa akin. She could’ve at least tried [to save their friendship].”

(CLICK HERE to read related story.)

APPROACHING AGAIN THEIR POTENTIAL WITNESSES. May labinlimang araw para isumite nina Atty. Lacuanan at Atty. Abraham ang kanilang Motion for Reconsideration. Labinlimang araw mula nang matanggap nila ang Resolution ng QC Prosecutor’s Office nung Lunes, Abril 16.

Sa pag-submit daw nila ng kanilang apela ay muli rin daw silang aapela sa mga nilapitan noon para maging witnesses nila.

Mga witness na, ayon kay Nadia, ay malapit din kay Annabelle.

“Merong talents niya [Annabelle], meron ding mga katrabaho niya, meron ding mga nakatrabaho ng mga anak ko na nakita kung paano niya tinrato yung mga bata.

“These people are scared to lose their jobs because you know how Annabelle fights…”