[x]

Nadia Montenegro on forgiving Annabelle Rama: “She has to pay for this—she definitely will pay for this, by God’s grace she will pay for this, trust me.”

Photo: Noel Orsal

Tatlo ang sinasabing dahilan ni Nadia Montenegro kung bakit niya ipinagkatiwala ang showbiz career ng kanyang mga anak kay Annabelle Rama.

Aniya, “I have three valid reasons why I trusted her to be the manager of my kids.

“One, Tito Dougs [Douglas Quijano] was still alive when he said na mag-co-manage sila kay Ynna, which is fine with me.

“Kasi... I trusted him so much, I have not trusted anyone [in my life] more than Tito Dougs.

“Two, I’ve always thought that Ruffa [Gutierrez] was [like] a second mother to my children; I never doubted the friendship at all.

“Hindi ko naman alam na aabot sa ganito ‘yon, e.

“I always believed that Ruffa’s there [and] that’s one big factor why tinanggap ko si Annabelle as their manager.

“Three, akala ko walang puwedeng kumawawa sa mga anak ko kapag si Annabelle Rama ang manager, which I really believed.”

CLICK HERE for related article.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadia noong Lunes, Abril 23, sa isang restaurant sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

Dito’y ikinuwento niya kung paano dati ang relasyon ng kanyang mga anak na sina Anykka at Alyanna sa kanilang talent manager.

“Anykka has the attitude na work siya, ganyan, because she was scared of her [Annabelle].

“Alyanna talaga is malambing to everybody, mabola ‘yan.

“Dati nagme-make up si Tita [Annabelle], ‘Oy, Tita ang ganda niyan, a.' Alam mo ‘yong siya ‘yong magano’n, e, si Anykka hindi.”


THE RIFT. Maraming mga pagkakataon daw na nanatiling tahimik si Nadia sa mga ginagawa ni Annabelle sa kanyang mga anak.

Hanggang dumating na raw sa punto na diumano, “She [Annabelle] spread rumors that Alyanna was raped by her father, Boy Asistio, when she was 10 and Anykka had STD [sexually-transmitted disease].”


CLICK HERE for related article.