Just a few months after getting back together, John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao have decided to end their relationship. But contrary to reports, Angelica Panganiban (inset) has nothing to do with their breakup.

Photo: Noel Orsal

Kinumpirma ng isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hiwalayang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Ngunit sinabi rin ng source na ito na walang kinalaman sa breakup ng dalawa si Angelica Panganiban.

Ito ay sinusugan din ng dalawa pang sources na nakausap ng PEP.

Idinagdag ng dalawang sources na ang mga kuwento tungkol kay Angelica bilang third party ay: “Wala ‘yan. Imahinasyon lang ‘yan. Imbento na lang ‘yan.”

ANGELICA-JOHN LLOYD LINK. Tinatayang nag-ugat ang pagkakaugnay nina Angelica at John Lloyd dala ng ginagawa nilang pelikula ngayon. Isa itong omnibus film para sa 20th anniversary ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN na humahawak sa mga career nina Angelica at John Lloyd, at maging ni Shaina.

Sa Vietnam kinunan ang mga eksena nina Angelica at John Lloyd.

Ang mga naunang write-up tungkol sa Vietnam trip nila ay tungkol sa paghanga ng dalawang Kapamilya stars sa isa’t isa pagdating sa trabaho.

Bukod pa sa pagsasama nina John Lloyd at Angelica sa pelikula, nasabay naman ang isyu ng pagkakalabuan ng relasyon ni Angelica sa boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Sa isang panayam ay inamin ni Derek sa press na “may pinagdadaanan” sila ni Angelica sa kasalukuyan.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil dito, maaaring ginawan ng koneksiyon ng ilan ang pagsasama sa pelikula nina Angelica at John Lloyd at ang problemang kinahaharap ngayon nina Angelica at Derek.

Pero diin ng unang source ng PEP, “They broke up because of an entirely different reason—nothing to do with Angelica and Derek.”

Samantala, nang tanungin ng ilang malalapit na kaibigan si Angelica tungkol sa pagkakaugnay sa kanya ni John Lloyd sa isang pahayagan ay tinawanan lamang daw ito ng aktres.

Maging si Derek ay agad nagtanggol kay Angelica at sinabing “hindi ganun” ang kanyang kasintahan.

THE LAST STRAW. Dagdag naman ng pangalawang source, ang breakup nina John Lloyd at Shaina ay nangyari “months ago pa.”