[x]

On the heels of the word war between Amalia Fuentes (right) and Annabelle Rama (not in photo) lasty month is a libel suit filed by the former against the latter's daughter Ruffa Gutierrez.

"This is just the start," Amalia says.

Photo: Noel Orsal (Ruffa) Monching Jaramillo (Amalia)

Tinupad ni Amalia Fuentes ang una niyang ipinahayag sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na, “In time, I will deal with this Annabelle Rama."

(CLICK HERE to read story)

Pero ang unang hakbang na kanyang ginawa ay sampahan ng reklamong libelo ang anak ng talent manager na si Ruffa Gutierrez sa Quezon City Regional Trial Court, ngayong araw, May 7.

Ang sabi ni Amalia sa panayam ng 24 Oras, "During all this time they took it as... as if I'm not going to answer anymore."

Pero matapos nitong magluksa sa pagkamatay ng asawang si Joey Stevens, saka nito hinabla si Ruffa dahil sa mga pahayag nito sa show na Paparazzi at mga posts sa Twitter.

"Even Ruffa started attacking me on TV and even on her tweets na di ko naman alam.

"Now, I have to get the justice system to take care of this problem for me. I've no choce," dugtong ni Amalia sa kanyang TV interview.

Matatandaang nagkuwento dati si Ruffa tungkol sa balitang kumakalat ng may kakambal daw ang panganay na anak niyang si Lorin, at ibinenta raw ito ng inang si Annabelle.

Ang suspetsa ni Ruffa, sa kampo ni Amalia umano nanggagaling ang balita.

(CLICK HERE to read story)

Ang sagot ni Amalia sa paratang ng dating beauty queen, "Kung meron siyang witnesses, she has to present documentary evidence. You cannot say just sinabi.

"So she can now bring anybody because I have not spoken to Ruffa in the past five years."

NEXT STEP. Dagdag pa ni Amalia, simula pa lang ito ng laban.

Ang sabi niya sa GMA-7 reporter na si Aubrey Carampel, “This is just the start, yung kay Ruffa.

"So Ruffa can shut up once and for all.”