news

Mon Tulfo: “Nagpapasalamat ako sa sanlibutan na hindi ko pa na-retrieve yung armas. Kasi kung hindi, maraming masasaktan. Maraming mabubuwis na buhay."

by Glen P. Sibonga posted on May 9, 2012  STATS: 141551 Views | 151 Comments

“Palagay ko, ginusto ng sanlibutan na itadhana iyan upang ma-expose yung mga kabalbalan nila Claudine at ng pagiging inutil ng mga pulis sa airport at mga guwardiya, at yung management ng NAIA—dahil wala silang camera, yung CCTV," says Mon Tulfo.

Photo By: Screen grab from TV5

May imahe nang nabuo sa isip ng mga tao kapag ang ilalarawan ay ang magkakapatid na Tulfo, na pawang mga broadcasters at journalists—sina Ramon, Ben, Raffy, at Erwin.

Ang apelyidong Tulfo ay tila kumakatawan daw sa pagiging "matapang at palaban." Pero para sa ilan, ang impresyon nila sa mga Tulfo ay "arogante at mayabang."

Lumabas nga raw ang ugaling ito ng mga Tulfo nang masangkot sa karambola si Ramon, o mas kilala bilang si Mon, sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Ilang pagbabanta laban kina Raymart at Claudine ang inihayag nina Erwin, Raffy, at Ben sa kanilang programang T3 Kapatid, Sagot Kita! sa TV5 noong May 7.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero kaagad din nag-public apology si Erwin kinabukasan, May 8.

(CLICK HERE to read related story.)

Bunsod pa nito ay naglabas din ng official statement ang TV5 na hindi nila kinukunsinti ang naging asal ng magkakapatid na Tulfo sa show at pagpapaliwanagin nila ang mga ito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa interview ni Luchi Cruz-Valdes kay Mon na napanood sa Journo sa TV5 kagabi, May 8, may paliwanag ang panganay na Tulfo sa impresiyon ng mga tao sa kanila.

Ayon kay Mon, “Misunderstood kami, kontrobersiyal kami. Namana siguro namin iyan sa aming ama [Ramon Tulfo Sr.].

“Yung aming ama na colonel ng Philippine Constabulary was a very controversial figure, too.

“Namana namin iyan at parang genes… at kuwan, yung napapasuong sa mga kontrobersiya.

“Pero deep down, ang aking intensiyon ay ipaglaban yung kaapihan na dinanas nung pobreng babae [ground staff] sa isang matronang 'kala ko ay Tsinay o Tsinoy. At hindi ako nagsisisi.”

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

151 Comments

  • 151  mariamakiling1

    05/28/2012 | 10:54 PM
    kahit ano pa ang sabihin nyo! palengkera at walang modo yang si claudine! pa christian christian pa kamo, sa lahat ng interview "i'm a christian...." tapos lagi na lang may eskandalo! Christian ka nga!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  mslavender

    05/18/2012 | 10:23 PM
    ang mayabang at hambog ay galit sa kapwa mayabang at hambog..nakahanap lang yang si tulfo ng katapat..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  kadabarkads

    05/17/2012 | 08:06 AM
    rollymendoza hindi ako mayaman but there is no way I am going to fall to that drama ek ek of yours, lol. Both sides, parehong may mali
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 148  kadabarkads

    05/17/2012 | 08:03 AM
    144lumo12 I don't think if you are a husband and the situation is that intense, you can still manage to think who and how many will defend her. Ako, I am sure if somebody hurts me and my husband and his mates are around, bugbog sarado din yun hahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  RollyMendoza

    05/11/2012 | 01:37 AM
    Mga kababayan na mga tunay na api at ina api ng mga mayayaman, sikat, makikinis ang mga balat... wag mag atubiling i BOYCOTT lahat ng mga magiging pelikula, musika, t.v. shows nila Claudine at Raymart... dapat silang matutong mag trabaho na tulad ng mga minumura nilang mga staff ng Cebu Pacific at mag SILBI sa mga taong ordinaryo, dukha, pangit ang kutis ng balat... hindi sila karapat dapat makita ng mga anak natin sa screen dahil wala silang mga budhi, mga BRUTAL na pumapatol para pagtulungan ang isang matandang palaban daw na halos walang kalaban laban nmn at hindi nila iginagalang sa harap pa mismo ng mga anak din nila, at walang kusang loob na humingi agad ng SORRY at magpakumbaba sa harap ng mga taong nagbayad para marating ang tugatog ng kanilang tagumpay sa showbiz.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 146  semsem

    05/10/2012 | 07:27 PM
    nung sinabi daw ni claudine sa staff na, youre stupid.. sa isip daw na mon tuflo, ay hindi na to tama..pero pag silang magkakapatid ang tumawag sa tv ng "gung-gong" , mga "ogag" etc, ay ok lang..sila pa rin ang tama.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 145  semsem

    05/10/2012 | 07:21 PM
    wow! ang yabang talaga...sanlibutan daw oh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  lumo12

    05/10/2012 | 06:41 PM
    rom05. Tama ka kahit sino kapag sinuntok ang mahal mo sa buhay gaganti ka pero pwedi naman si raymart na lang yung sumugod o kaya si claudine pero hindi e, kitang kita sa video kung paano nila PINAGTULUNGAN yung tao lalo na 65 o 68 yrs old na yung mamahayag. Wala na rito kung sino ang nauna sumuntok, ang issue dito pinagtulungan nila yung tao. Isa laban sa tatlo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 143  HornBlower

    05/10/2012 | 05:42 PM
    Kung sinipa ni Tulfo bago ang bugbugan bakit kabilis pa ring tumakbo at sumugod ni Claudine para makibugbog sa kanya. Hindi ba dapat paika-ika na rin siya kung sumugod para makibugbog tulad ng paika-ika niyang lakad ngayon. Tignan rin ang hita ni Claudine habang bumubugbog, ka kinis pa rin at sabi nga nila mala porselanang kaputian. Kaya tunay na nagsasabi ng totoo ang video kaysa sa sinasabi ni Raymart.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 142  rom_05

    05/10/2012 | 05:01 PM
    sa you tube video hindi doon nakita na sinipa ni Tulfo si Claudine so ibig sabihin nangyari yon bago pa man siya nabugbog. Si tulfo na rin ang nagsabi sinipa niya pero binawi din later. Noong una akala ko ang nangyari nagpangbuno si raymart at Mon tapos umawat si clau o nakisama pero hindi yon ang nangyari he knowingly kicked and pushed claudine bago pa man siyasinugod ng grupo ni Raymart . Kahit hindi ko asawa si Clau o kahit hindi ko siya kilala kapag nakita kong sinipa siya ng isang lalaki o binugbog susuntukin korin si Mon tulfo. Ang liit kaya ni claudine. May dahilan kung bakit si Tulfo ang pinigilan ng mga guwardiya.Kung si raymart ang unang naging bayolente sa kanila dapat sa kanya pumunta ang mga guwardya para pigilan siya at hindi kay Tulfo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 141  HornBlower

    05/10/2012 | 04:33 PM
    Tanong, bakit nasipa ni Tulfo si Claudine. Binubugbog ka, nasa ibabaw si Claudine at bumubug din, ano ang iyong gagawin? Pabubugbog na lamang ba? Siyempre manlalaban ka at hahanap ng iyong kaligtasan. Alangan naman saluhin mo na lang lahat ng suntok at tadyak nila sa iyo.......Sabi nga nila kahit anong mabait na hayop sa gubat, kapag iyong sinaktan ito ay manlalaban at hahanap ng kanyang kaligtasan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 140  HornBlower

    05/10/2012 | 04:27 PM
    Hindi lahat ng bayolente ang laging nakakauna. Self assessment lamang iyan. Kung ikaw ang kukunan ng isang bagay na pag-aari mo, ano ang gagawin mo? Siyempre protektahan mo ang bagay na para sa iyo at pag-aari mo. Ilagay na lang natin sa mga holdapan. Kaya nga maraming namamatay sa panghoholdap dahil ayaw nilang ibigay ang hinihingi ng holdaper. Kaya ganon ang nangyari sa kawawang Tulfo, nabugbog ng dahil sa ayaw ibigay ang kinukuhang cell phone.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 139  HornBlower

    05/10/2012 | 04:21 PM
    Yun na nga outnumbered sila ng mga pasaherong nagrereklamo. Ibig sabihin marami ang boses na makakarating sa management ng Cebu Pacific. Tiyak mapupuna at maririnig sila nito. Kaso ang kawawang maliit na staff ang kanyang tinalakan at murahin pa man din. Kung tutuusin wala namang alam ang empleyadong iyan sa mga bagahe, at ang tanging alam lang naman niyan ay ang sumunod sa POLICY ng kumpanya.....Mali talaga kahit saan daanin. Tapos bugbugin pa nila si Tulfo dahil lang sa litrato. Ano naman kaya ang mali sa isang Journalist na kumuha ng suporting document para sa isusulat nito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 138  rom_05

    05/10/2012 | 04:13 PM
    nung nasuntok ba si MonTulfo nagkaroon siya ng dementia? bigla kasi siyang naging mabait kuno, yun nga lang paiba-iba ng statement. Noong una hindi ako naniniwala kay Raymart na basta na lang siya sinuntok pero kung pagbabasehan yung mga pinagsasabi ng mga Tulfo Bro at ni Mon obvious namang mga bayolente sila. Why would you threaten to use a gun sa taong walang armas? Sinabi din niya na nasipa niya si Claudine but i guess he realized na kahit murahin pa siya nito it wont justify yung pananakit nya sa babae at it will justify yung pagsuntok sa kanya ni Raymart at kung bakit siya ang unang pinigil nung mga guwardiya. He also talks about public opinion a lot.Kung wala siyang sala at siya talaga ang agrabayado he wouldnt care about public opinion. Naawa din daw siya sa babaeng tinalakan ni Clau?So bakit imbis na lumapit at pumagitna eh naglabas lang siya ng camera at hinayaan mangyari ang pagtalak?because what he wants is a scoop at wala siyang pakialam sa babae na tinalakan ni Claudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 137  gertrude

    05/10/2012 | 04:08 PM
    kahit maglabasan yung mga sinigawan ni claudine in the past at tumayo sa likod ni mon, maoutnumber sila ng mga pasaherong nagrereklamo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  HornBlower

    05/10/2012 | 04:04 PM
    Iyan yung sinasabi ngayon na TAKOT sa sariling MULTO. Kaya naghahanap ng kakampi sa kanila. Kaya pati mga kawawang mga anak kinakaladkad na sa gulo para lamang maawa ang tao sa kanila. Eh yun bang makita ng mga bata na galit na galit ang INA at minumura-mura nito ang empleyado, hindi kaya iyon simula na ng TRAUMA ng kanyang mga anak?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 135  gertrude

    05/10/2012 | 04:02 PM
    kailan pa nagpublish ng litrato taken by the columnists ang mga broadsheet?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 134  HornBlower

    05/10/2012 | 04:00 PM
    Kaso nga iyong empleyado na minura mura ni Claudine at takutin pa man din na ipapatanggal sa kanyang trabaho ay hindi siya ang naglalagay ng bagahe sa loob ng eroplano. Bakit kailangan maabuso ang taong walang kinalaman sa bagahe. Kanya kanyang departamento iyan. Kung talagang concern iyan si Claudine sa maling sistema ng Cebu Pacific eh di management ang kanyang murahin at hindi ang kawawang maliit na empleyado lamang ng airline.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 133  HornBlower

    05/10/2012 | 03:55 PM
    Di ba ang hanap sa korte lagi ay ebidensiya. Kaya ayon pilit na kinukuha ang kamera. Ayaw ibigay kaya binugbog. Masarap din naman yatang magbasa ng news na may kasamang picture para mapatotoo ang kanyang sinusulat, kaya lang ayaw nilang mailathala ang ginawa kaya pilit na kinukuha ang kamera, eh ayaw ibigay kaya binugbog.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  HornBlower

    05/10/2012 | 03:50 PM
    Sinong may sala? Opinyon lang at self assessment sa dalawang grupo. Kung sino ang naghuhugas ng kamay sa nangyaring bugbugan. Para sa akin sina Raymart at Claudine ang mali, kaya panay paawa effect ang ginagawa ngayon sa kamera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About