Raffy, Erwin, and Ben Tulfo have been suspended by TV5 as a result of their remarks against actor Raymart Santiago, who was involved in a brawl with their brother Mon Tulfo.

Photo: Noel Orsal

Wala ngayong hapon, May 9, sa TV show na T3 Kapatid, Sagot Kita! ang magkakapatid na Ben, Raffy, at Erwin Tulfo dahil sa suspension na ipinataw sa kanila ng TV5 management.

Ang suspension order na may bisa ngayon at bukas ay resulta ng pagbabanta nila sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa kanilang afternoon show sa TV5 noong Lunes, May 7.

(CLICK HERE to read related story.)

Sina Martin Andanar, Atty. Mel Sta. Maria, at ang kapatid ng tatlo na si Mon Tulfo ang pansamantalang pumalit sa Tulfo brothers sa T3.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pahayag ng TV5 management tungkol sa suspension ng Tulfo brothers, pero nasa meeting pa sila at press time.

Kahapon, May 8, pormal na humingi ng paumanhin si Erwin sa publiko dahil sa pahayag nila ng kanyang mga kapatid.

Ayon sa kanya, bugso lamang ng damdamin ang kanilang mga naging pahayag sa T3 noong Lunes.

Ang suspension ng Tulfo brothers ang isa sa mga "necessary actions" na tinutukoy ng TV5 sa official statement na inilabas nila kagabi:

"While we understand the emotions at play during the broadcast, News5 does not and will never condone such behavior. 

“It was not only uncalled for but also runs counter to the established Code of Ethics that we all strictly adhere to.

“We are taking necessary actions to deal with this lapse in judgment on the part of the Tulfo brothers and assure the public that we remain committed to objective and impartial journalism.”