Raymart Santiago on second video of airport brawl with Mon Tulfo: "Mahirap kasi parang pinutul-putol nila, e, parang in-edit-edit na. Parang two seconds na video, ‘tapos pinaulit-ulit nila, ‘tapos pinalalabas nila na kampo namin yung nauna. E, siyempre nakakabuwisit, di ba? Well, tutal nandito na sa korte ‘yan, so doon na lang tayo magharap-harap.”

Photo: Melo Balingit

Nakausap via phone patch ni Raymond Gutierrez ang aktor na si Raymart Santiago sa Showbiz Central noong Linggo, May 27.

Ito ay tungkol sa ikalawang video na lumabas na may kinalaman sa kaguluhan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong May 6, sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto at ng broadcaster na si Mon Tulfo.

Unang lumabas ang video na ito sa Aksyon TV noong May 25.

Sa naturang video, nakikipag-usap si Mon sa grupo nina Claudine nang bigla siyang hampasin sa ulo ng lalake na nakasuot ng pink T-shirt.

Nangyari ito sa harap ng isang security guard, ni Claudine at ng isang lalake na natatakpan ng katawan ng aktres.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon ni Raymart sa pagkalat ng bagong video na ito?

“Alam mo, naano rin ako, e, dahil iyon yung… hindi naman iyon yung first part nung video, bale may first part pa ‘yan.

“Yung una niya [Tulfo] akong sinuntok at sinipa, ‘tapos nagkaroon ng awatan.

“That was the video… yung dulong part yun ng first part, yung bago sinipa si Cludine,” pahayag ni Raymart sa telepono.

WHO MADE THE FIRST MOVE? Ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ng iba na dahil dito, may mga espekulasyong kampo nina Raymart ang unang nanakit?

Sagot ng aktor, “Lilinawin ko, hindi po iyan yung unang part nung video. Iyan yung dulo ng first part.

“Yung first part kasi, iyon yung itinulak niya [Mon] ako at sinipa niya ako. Nagkaroon ng konting suntukan, nagkaawatan.

“Actually, ‘yang video na ‘yan, parang nagkakahamunan na, ‘O, sa labas na lang tayo, sa labas!’

“Yung kaibigan kong gumanun, kung papansinin ninyo, parang hinahamon niya palabas.