Lucho Ayala says he prioritized his studies over showbiz which "delayed" his attempts to go full throttle: “Para kapag natapos ko na ang school, mas makakapag-concentrate ako.”

Photo: Noel Orsal

Nagsimula ang 20-year-old actor na si Lucho Ayala sa Tween Hearts. Gumanap din siya bilang batang Gabby Eigenmann noon sa Endless Love at napanood din siya sa afternoon soaps na Basahang Ginto at Blusang Itim.

Pagkatapos ng dalawang taon sa showbiz, magiging ka-love triangle ni Lucho sina Alden Richards at Louise delos Reyes sa bagong primetime soap ng GMA-7, ang One True Love.

Ganun pa man, tila hindi ganoon kaagresibo ang pag-angat ng career ni Lucho.

Kinuha ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) ang pananaw ni Lucho tungkol dito nang makausap namin siya sa press conference ng One True Love noong nakaraang linggo.

Paliwanag niya, “Hindi ganoon tuloy-tuloy ang career ko kasi minsan, nag-i-stop ako. Like from Blusang Itim, which is last year pa yun.

         

“May school din kasi ako kaya bina-balance ko siya.

"Hopefully, with this show, magtuluy-tuloy na ako.”

         

FUTURE PLANS. Magpu-fourth year college na raw si Lucho ng kursong Speech Communication sa University of the Philippines Diliman. 

Kahit daw kasi pumasok na siya sa pag-aartista, hindi niya itinigil ang pag-aaral.

         

“Ayaw kasi ng parents ko at ako rin naman, ayoko rin talaga. As much as possible, gusto ko na kasabay siya.  

“Para kapag natapos ko na ang school, mas makakapag-concentrate ako,” sabi niya.

SLOWLY BUT SURELY. Sa kanilang dalawa ni Alden, ay mas naunang pumasok sa showbiz si Lucho. Pero si Alden ang naging leading man sa serye nila.

         

Diretsuhan tinanong ng PEP si Lucho kung wala ba sa kanya kung si Alden man ang naunang maging lead kaysa sa kanya?

         

“Well, ako naman, I’m always grateful sa mga ibinibigay sa aking blessing at hindi naman ako nagmamadali. 

“I mean, I’m taking my time. At siguro, factor na rin na hindi ako tuluy-tuloy din. 

“Ako rin naman ang taong hindi naiinggit at hindi nagseselos sa mga nangyayari.

         

“I’m very grateful pa rin kahit sa mga ganito. Masaya na ako sa mga ganito,” sagot niya.

LOVETEAM. Hindi pa raw naranasan ni Lucho ang magkaroon ng ka-loveteam.

         

Pero sabi niya, “Why not? Kung yun ang gusto nila sa akin, why not?”

         

Kung pamimiliin, sino ang gusto niyang makapareha?

         

“Well, crush ko si Carla Abellana. Si Heart Evangelista, crush ko rin. But I don’t think na makaka-loveteam ko sila.

“Kasi, nakaka-loveteam na nila sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez...

“But hopefully... sila ang mga crush ko sa showbiz,” nakangiti niyang sabi.

TYPECAST. Sa One True Love, may pagka-kontrabida ang role niya. At sa mga nakaraan niyang shows sa Kapuso network ay may pagka-kontrabida rin ang mga ginampanan niyang roles.