Raymond Bagatsing on giving tips to young stars: "I’ve been in the industry for the past 20 years, it’s high time that I share what I learned from other actors. It’s paying it forward. Balang-araw, sila naman ang magse-share sa mga nalaman nila sa akin sa mga baguhang mga artista.”

Photo: Noel Orsal

Muli na namang sasabak sa isang bagong role ang award-winning actor na si Raymond Bagatsing.

Sa pagkakataong ito ay balik-primetime siya via One True Love, ang launching series nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa Kapuso network.

    

Kailan lang natapos ang The Good Daughter sa GMA Afternoon Prime, pero kaagad nag-taping si Raymond para sa role niya bilang Carlos sa One True Love.

    

Ito ang ika-apat na teleserye ni Raymond sa GMA-7 mula nang bumalik siya sa local showbiz.

Ginawa rin niya sa GMA-7 ang Amaya at Time of My Life.

    

Sa bakuran naman ng ABS-CBN ay nagawa ni Raymond ang series na Sabel.

    

WORKING WITH NEW STARS. Ikinatutuwa ni Raymond ang pakikipagtrabaho niya sa maraming baguhang artista ngayon.

    

“I feel so proud to be working with new talents every time na may bago akong TV project.

    

“Nakakatuwa because kitang-kita mo ang kasipagan ng mga batang ito.

"Serious sila sa trabahong pinasok nila kaya ang sarap na makipagtrabaho sa kanila.

    

“I’ve worked with Marian Rivera, Kris Bernal, Mark Herras, Kylie Padilla, Rocco Nacino, and now with Alden Richards and Louise delos Reyes.

"Lahat sila ay may magandang future sa showbiz basta tuluy-tuloy lang ang pagiging masipag sa trabaho nila,” saad ni Raymond sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

    

Isa pang ikinatutuwa ni Raymond ay ang madalas na paghingi ng tips sa kanya ng mga katrabaho niyang young stars.

    

Kilala si Raymond ng marami bilang isang mahusay na artista dahil sa mga award-winning roles niya sa mga pelikulang Milagros, Ang Kriminal Ng Barrio Concepcion, at Soltera.

    

Kaya nilalapitan siya parati para mahingan ng advice at maging mentor pagdating sa pag-arte.

    

Saad ni Raymond, “I am flattered every time a new actor or a new actress comes up to me and ask for my advice.

    

“When I was doing Sabel pa sa Dos, the late AJ Perez would always ask for my advice sa mga eksenang gagawin niya. Even si Joseph Marco.

"Kaya may personal workshop sila sa aking dalawa kapag pack-up na ang taping namin.

   

“Gano’n din ang ginagawa ko with Kylie Padilla, Rocco Nacino, Kris Bernal, and Mark Herras.

"They ask for tips sa acting nila. Kung paano ba magiging approach nila sa mga scenes.

    

“Ako naman, ready naman ako na i-share ang mga nalalaman ko.

"I’ve been in the industry for the past 20 years, it’s high time that I share what I learned from other actors.

    

“It’s paying it forward.  

"Balang-araw, sila naman ang magse-share sa mga nalaman nila sa akin sa mga baguhang mga artista.”

    

ACTING SCHOOL. Kaya nga naisipan ni Raymond na magkaroon na siya ng sarili niyang acting school para mas marami pa raw siyang matulungang aspiring actors.

    

“It’s part of my many plans now. Isa nga diyan ay ang acting school.

"Parang informal class lang for actors, old and new, na gustong may matutunan na bagong method when it comes to acting.

    

“Noong nasa U.S. naman ako, I was also mentoring new actors there.

"Kapag audition season doon, may mga mine-mentor ako. Mostly mga models and students who want to get into acting.

    

“Since marami ang humihingi ng advice ko sa acting, why not put up an acting school here para maging bukas ito sa mas maraming baguhan na artista.”

    

Pero uunahin daw muna ni Raymond ang pagbubukas ng Mexican restaurant nila ng kanyang girlfriend.

    

“Matagal na naming inaasikaso ang business namin na ‘yan and thank God, malapit na naming mabuksan.

    

“Salamat sa mga naging projects ko dito sa GMA-7 kaya naging malaking tulong para sa negosyo namin.

    

“In a few months, we will have an opening and I hope na maging successful ito.

"We will be serving Mexican cuisines at may fusion ito with our very own food dito sa Pilipinas.

    

“After na maayos na namin ang pagbukas ng restaurant, isusunod ko na yung acting school.”