Kristoffer Martin on being paired with Bea Binene: “Okey kami ni Bea kasi sa tagal naming magkasama sa Tween Hearts. Sabi nga namin sa isa’t isa, we’ll make it work. Sure din naman ako na maninibago siya kasi hindi si Jake [Vargas] ang kasama niya. Nakasanayan din niya na si Jake ang lagi niyang kaeksena. So, magdamayan na lang kaming dalawa!”

Photo: Noel Orsal

Masayang-masaya si Kristoffer Martin dahil sa pagpasok niya sa second generation ng primetime series ng GMA-7 na Luna Blanca.

Sa bagong yugto ng naturang serye, gaganap si Kristoffer bilang si Joaquin—isang campus heartthrob na anak nina Gina Alajar at Allan Paule.

Magkakagusto naman sa kanya si Luna na gagampanan na ni Bea Binene.

Sa bagong kuwento ng Luna Blanca ay magkakahiwalay muli sina Luna at Blanca (Barbie Forteza) nang magkaroon ng pagguho ng basura sa Payatas.

Mawawala si Luna at matatagpuan ito ng isang mayamang mag-asawa at aampunin nila ito.

Sa pagkakataong iyon magkakakilala sina Joaquin at Luna.

Sabi ni Kristoffer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakapanibago po kasi, this time, ang role ko mayaman.

“Sa mga past roles ko kasi, hindi ako gumaganap na mayaman. ‘Tulad sa Munting Heredera, ampon lang ako doon.

“Sa Ikaw Lang Ang Mamahalin, mahirap ako doon. Sa Tween Hearts naman, middle class lang ako doon.

“Kaya dito sa Luna Blanca, iba po talaga siya tapos campus heartthrob pa.

“Sabi ko nga, ie-enjoy ko na lang ang role ko ngayon!”

Nakausap ng PEP si Kristoffer sa story conference ng Luna Blanca noong July 3, Martes, sa GMA Network Center.

BEA IN, JOYCE OUT. Dahil si Bea ang makakapareha niya ngayon, hiwalay muna sila ng kanyang nababalitang girlfriend na si Joyce Ching.

Inamin ni Kristoffer na nalungkot siya dahil nakasanayan na niyang si Joyce ang laging kapareha niya.

“Natural lang naman po ‘yon kasi ever since nag-start yung career ko sa GMA-7, si Joyce na ang nakatrabaho ko.