Governor Vilma Santos on celebrity bashers on Twitter: “Hindi, kasi naaawa rin ako dun sa mga artista natin na… kaya sinasabi nila huwag masyado kasi ang dami nang artista na naapektuhan ng Twitter. Hindi na, kasi personal, e, nahahalo na. Wala yun nung araw, e. And sa klase ng mga status ng mga artista natin ngayon, nababastos… [may] bashers. Hindi deserving ng mga artista ring ito na matagal nang nasa industriya. Pero because of this technology na ito, parang hindi nagiging maganda tuloy yung status ng mga artistang naghihirap din naman para sa industriyang ito. Parang ganun na lang kadali para i-bash ka… hindi, e. Hindi tama."

Photo: Noel Orsal

"So, kaya kong sabihin na hindi ako nagkamali. Na talagang malaking bagay sa akin at masaya ako that I chose Kim, at kasama ko si Kim sa movie.”

Pero hindi raw siya nagtanong ni minsan kay Kim tungkol sa lovelife nito dahil alam daw niya ang pakiramdam nito.

Rason ng Star For All Seasons, "Dumaan din ako sa ganyan, e. You’re beautiful, maraming nai-in love sa ‘yo, so? Hindi niya problema ‘yon, problema nila ‘yon."

Nali-link ngayon si Kim sa young actor na si Xian Lim.

JANICE AND POKWANG. Kasama rin sa cast ng The Healing sina Janice de Belen at Pokwang. Habang ginagawa nila ang pelikula ay nabuo ang isang magandang pakikipagkaibigan sa pagitan nilang tatlo.

Sabi nga ni Janice, hindi raw sila napipirmi sa dressing room dahil doon sila sa dressing room ni Ate Vi tumatambay habang naghihintay ng set-up. Doon daw sila nagkukuwentuhan ng kung anu-ano tungkol sa buhay.

 

Kuwento naman ni Ate Vi, “Habang magkakasama kami sa set, habang naghihintay ng set-up, since we’re all women, nag-uusap kami about life—lalo na sa amin na may naging eksperiyensiya sa buhay, sa lovelife, sa mga anak namin.

“So, hindi kailangan may lalake… parang anong nagkaroon tayo sa buhay natin na pupuwede naming ma-enjoy at ano yung kasalukuyang nangyayari sa buhay namin.

“So, it’s more of usapang babae.

“And since then, dun kami naging close, parang dahil dun sa pag-uusap namin ng more personal, parang naging close kasi open.

“Wala yung nakakapag-plastic na ‘hindi nangyari sa akin ‘yan, hindi nangyari ‘to…’ Hindi, e. Totoong nangyari sa amin!

“Kaya papaano tayo re-recover, di ba? So, yun ang nagpa-close sa amin maybe because open, e.”

TWITTER ACCOUNT. Dahil din sa nabuong bonding kina Ate Vi, Janice, at Pokwang ay natuto nang gumamit ng Twitter ang Star For All Seasons.

Tila nang-iinggit na sabi nga ni Governor Vi, “Alam ko na ang nangyayari… nagbabasa ako ng Twitter—every day and before I sleep and when I wake up. Marunong na ako!”

Meron na ba siyang Twitter account?

“Hindi ko sasabihin kung sino ako!” tawa niya.