Eda Nolan's advice to daring kids: “Makinig sa parents; at yung love, trust me, mas okay siya kung right age at mentally prepared ka.”

Photo: Noel Orsal

Inamin ni Eda Nolan na hiwalay na sila ng live-in partner niyang si Gian Carlos. May anak silang apat na taong gulang—si Andrei.

Inilahad ito ni Eda sa ginanap na press conference para sa FHM 100 Sexiest Women kunsaan, isa siya sa mapalad na nakasama sa Top 100 list.

Inamin din ni Eda na ngayong taon lang nila napagdesisyunan ni Gian na maghiwalay pagkatapos ng anim na taong pagsasama.

“This year lang naman,” sabi niya.

Si Eda ay isang Kapamilya teen star noon, habang si Gian naman ay nanalong First Prince sa StarStruck Batch 3 ng GMA-7.


LIVING IN. Nabuntis si Eda at tuluyan na silang nagsama. Pero bakit nauwi rin sila sa hiwalayan?

“Siguro kasi, hindi na kami nagwo-work out. Yun lang yun. Mutual din naman.

“And since, napag-usapan din naman na, ‘Hindi na tayo happy.’

“Ayoko rin naman na lumaki ang baby na away lang nang away. So, might as well na… alam n’yo yun?”

Ano ba ang madalas nilang pinag-aawayan?

“Marami. Marami, e. Pero, in fairness naman kay Gian, noong sinabi ko na, ‘I think, mas okay na maghiwalay,’ nirespeto naman niya.

Sinubukan naman daw nilang i-work-out pa ang relasyon nila.

Pero sabi ni Eda, “Kung hindi ka na happy, parang wala ka ng reason. We can still be parents naman kahit hindi kami together.

“So, hindi kailangan na… ‘Dahil sa baby... because of love...’”


TIMELY ADVICE. Masasabi naman niyang naka-move on na siya at sabay tangging may third party involved.

“Wala, wala po talaga. Parang recently lang naman.”

Kumusta ang relasyon nila ni Gian ngayon?