Isang taon mahigit pa lamang si Alden Richards sa showbiz, ngunit kapuna-puna na ang mabilis na pag-angat ng kanyang showbiz career. Kaakibat man ng pagtaas niya ay ang mga taong gustong sumira sa kanya, hindi na ito pinapatulan ng batang aktor. Ani Alden, “It’s part of showbiz.”

Photo: Noel Orsal

ONE OF THE BIGGEST STARS. Hindi rin naman nakaligtas si Alden na maikumpara sa ibang mga aktor, hindi lamang sa bakuran ng GMA-7 kundi maging sa ibang networks.

Ayaw nang intindihin ito ni Alden, bagkus ay “thankful” pa nga siya dahil naihahanay na siya sa ilang malalaking pangalan ngayon sa industriya.

Aniya, “Kasi po ang lagi kong basis when it comes to comparison, I’m just starting.

“One year pa lang po ako.

"And I have no right to disagree with any comparison that [the] press or other people’s giving me.

"Parang thankful ako na naiko-compare ako sa mga big stars ng GMA and ABS.

“I just say thank you, and I just tell them na wala pa po ako sa narating nila, kasi mas marami pa po akong kailangan patunayan, because I’m just starting.

“I’m not in the right place to say na mas magaling ako sa kanya or ganoon.

“I would never do that po.”

ANNE CURTIS. Samantala, habang napag-uusapan ang tungkol sa 100 Most Beautiful Stars ng YES!, sinabi ni Alden na nanghihinayang siya at di siya nakadalo.

Pagkakataon na raw sana iyon para makita niya sa personal ang kanyang celebrity crush na si Anne Curtis.

“So much!” bulalas ng batang aktor nang tanungin kung gusto ba niya si Anne.

“Ang unfair nga kasi parang we’re endorsing the same clothing brand pero I never got the chance to meet her.”

Ang tinutukoy ni Alden ay ang Folded & Hung.

Kaya naman nang biruin siya na itu-tweet namin sa Kapamilya actress na crush niya ito, sinabi nito na tuwang-tuwa: “Please! I have a lot of pictures, photos of her on my phone!”