Nawalan umano ng P380,000 ang young actress na si Ynna Asistio dahil may nag-withdraw sa kanyang ATM nang hindi niya nalalaman.  Iti-trace naman daw ng BDO ang posibleng pag-hack sa card ni Ynna, pero wala raw assurance ang bangko na maibabalik ang pera.

Photo: Noel Orsal

“So, sayang yung tatlong araw na sana na-save ko pa.

“Sayang yung tatlong araw sana nakapag-save pa ako ng one hundred thousand.”

Hindi na ba maibabalik ang pera niya?

“Wala po silang assurance na sinasagot sa akin.

“Sabi nila, they will do the best they can para ma-trace kung sino yung hacker.

“Pero mahirap nga po. Kagaya ngayon, August 23, tapos nangyari yung transaction, August 10 to 16.

“So, kailangan nilang puntahan lahat nung bangko.

“Pero in-assure naman nila na hindi ko kasalanan.

“So, ang ano lang, na sana gawin nila lahat, na mabalik lahat yung pera ko.”

THE NEXT STEP. Kung hindi magagawan ng paraan, ano ang hakbang na gagawin ni Ynna?

“Siyempre, I will fight for it kasi hindi naman biro yung nawala sa akin and pinaghirapan ko naman po iyon—I worked for it po.”

Kahit daw ang singer na si Christian Bautista ay nakaranas na ng ganitong klaseng insidente.

Ayon kay Ynna, “Sabi ko po, ang inaano ko, credit card kay Christian Bautista, di ba?

“Pero yung akin, ATM na kailangan mo ng PIN.”