news

Chynna Ortaleza on playing villain roles in two separate projects: “Nahihirapan ako ngayon kasi medyo nako-confuse na ako."

by Rose Garcia posted on August 30, 2012  STATS: 12038 Views | 12 Comments

Dalawang kontrabida roles ngayon ang ginagawa ni Chynna Ortaleza para sa GMA-7: sa Luna Blanca at Sana Ay Ikaw Na Nga. Sabi ni Chynna, “So, parang feeling ko, ang pangit naman kung makita ng tao na yung hitsura ko sa gabi ay ganoon din sa umaga at walang diperensiya ang atake. So, hilung-hilo ako.”

Photo By: GA Granali

Isa na namang kontrabida role ang gagampanan ni Chynna Ortaleza sa bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Ang Sana Ay Ikaw Na Nga ay remake ng primetime series na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia noong 2001.

Sa remake nito ay sina Mikael Daez at Andrea Torres ang muling magbibigay-buhay sa karakter nina Carlos Miguel Altamonte at Cecilia Fulgencio.

Si Chynna naman ang gaganap sa papel ni Olga, na magpapahirap sa buhay nina Carlos Miguel at Cecilia. Ang role na ito ay unang ginampanan ni Maricar de Mesa.


CONFUSED. Marami ang nagsasabi na bagay si Chynna sa kanyang bagong karakter, at maihahanay na raw siya bilang isa sa mga epektibong kontrabida ng Kapuso network.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna noong Linggo, August 26, sinabi nito na bagamat bihasa na siya sa pagkokontrabida ay medyo nahirapan pa rin siya sa kanyang bagong proyekto.

Paliwanag niya, “Nahihirapan ako ngayon kasi medyo nako-confuse na ako.

"Kasi, ganito ‘yan, siyempre thankful ako na maraming trabaho.

“Pero katulad niyan, problemado ako kay Olga kasi eere siya simultaneous kay Divine.”

Ang tinutukoy ni Chynna ay ang karakter niya sa primetime series na Luna Blanca, na kasalukuyang umeere sa Kapuso network.

Patuloy niya, “So, parang feeling ko, ang pangit naman kung makita ng tao na yung hitsura ko sa gabi ay ganoon din sa umaga at walang diperensiya ang atake. 

"So, hilung-hilo ako.”



HER CHARACTER OLGA. Pero mabuti na lang daw na mas seksi si Olga kaya napaglalaruan niya ang karakterisasyon nito.

Sabi ni Chynna, “May bangs ako diyan. 

"Dapat mas maikli, pero hindi ko talaga kinaya na isalang na ganito ang buhok ko.

"Kasi, ganito rin ang buhok ko sa Luna, itinataas ko lang.”

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  violet_blooms06

    08/31/2012 | 09:22 AM
    I really admire u miss chynna since click days pa talagang inaabangan kita..u are so cute and talented actress. Godbless always!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  kapusosimplythebest

    08/31/2012 | 12:41 AM
    SANA SYA ANG GINAWA SA COFFEE PRINCE KASI MAGALING ANG ATAKE NYA EH MEDYO BOYISH SYA DATI SA IBANG ROLE NA KAYA NAMAN NYA. KRIS BERNAL MASYADO GIRLY GIRLY SANA PINAG ARALAN ANG CHARACTER SANA NAKITA ANG POTENTIAL NI CHYNNA MAGALING SYANG LUMARO ANG EXPRESSIO NG FACE NYA AT KAPAG NAG SMILE SYA MATUTUNAW KA KASI SHE IS SWEET IN REAL LIFE. COFFEE PRINCE IS FLOP KASI WA WENTA ANG GAGANAP ALJUR ABRENICA LIPAT KA NA SA FIVE LIABILITY KA LANG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  thelastpepbender

    08/30/2012 | 10:00 PM
    nawala na yung mga KONTRABIDA ng GMA 7. nawala na sila ARCI MUNOZ at IWA MOTTO. pati na rin yung naging BB PILIPINAS forgot her name yung may pagka curly yung hair. FAVORITE ko silang mga KONTRABIDA. bagay sana silang ANGELINE sa REMAKE ng TEMPTATION of WIFE.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    thelastpepbender
    08/30/2012 | 10:03 PM
    I MEAN bagay sila ARCI MUNOZ, IWA MOTTO at yung BB PILIPINAS na curly hairforgot her name, na HEIDI SHIN. Ayaw ko kasi kay ALEX boring panoorin sa TV.
    gorgeous_aleck
    08/30/2012 | 10:18 PM
    rich asuncion ba ang tinutukoy mo?
  • callmekeylee

    08/30/2012 | 08:31 PM
    Grabe, i still remember the teen show na ka loveteam nya si Richard and kasama din nila si Angel Locsin, until now nandyan ka pa ren. I guess you should change your style in terms of your appearance? You're good in acting anyway.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shingaling20

    08/30/2012 | 04:48 PM
    next please
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    08/30/2012 | 04:43 PM
    look at chynna, ang tiaga nya talaga, she's a good actress, sila ung pwedeng maging Gina Alajar, Jacklyn Jose, Amy Austria, Rio Locsin, Eula Valdez, JEan Garcia Cherry Pie na di naluluma o nalalaos. Congrats Miss Chynna!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    08/30/2012 | 03:40 PM
    magaling siya pero need niya mag change ng hairstyle. halos lahat ng series niya ay ganyan ang hair. bakit di niya i-try yung medyo mahaba ng konti. hanggang shoulders pero wavy. pwede rin nka ponytail pero matapang ang mape-up. suggestion lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    gorgeous_aleck
    08/30/2012 | 03:40 PM
    i mean, make up
  • ike

    08/30/2012 | 02:46 PM
    magaling n artista ito kaso yong style niya sa pagiging kontrabida mashado ng gasgas. ala bang bagong style jan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Clara Pastor

    08/30/2012 | 02:37 PM
    a good and talented actress..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mawar

    08/30/2012 | 01:38 PM
    i like her too, walang ka ekekan. and she's so pretty, gandang hindi nakakasawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • catinthehat

    08/30/2012 | 01:16 PM
    I like her, wala akong narinig na kadramahan sa buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    08/30/2012 | 12:35 PM
    no comment
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kapusosimplythebest
    08/31/2012 | 12:39 AM
    SANA DI KA NA LANG NAGPOST SAYANG ANG SPACE

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About