Kris Bernal on sacrificing lovelife for her career: “Ako, willing akong i-sacrifice. Willing kong i-sacrifice pagdating sa trabaho. Kasi ang lovelife, darating naman ‘yan, e. Pero hindi ko naman kaya ring magsinungaling sa mga tao na ipapamukha ko na kami [ni Aljur], pero hindi kami. Hindi ko rin naman kaya ‘yon."

Photo: Noel Orsal

Nakakasa na ang paggiling ng camera para sa Pinoy remake ng Korean romantic-comedy na Coffee Prince ngayong linggo.

Ito ang bagong primetime series ng GMA-7 kung saan balik-tambalan sina Kris Bernal at Aljur Abrenica

“Magsisimula na po kami ng taping this week,” masayang balita ni Kris nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, September 2.

“Tapos na kami sa workshop namin. Naka-tatlong araw po kami under Direk Maryo J. [de los Reyes].

“Malapit na po kaming mag-air. Sa September 23 ito magsisimulang ipalabas.”



MALE CHARACTER FOR KRIS. Na-absorb na raw ni Kris ang kanyang role bilang isang babaeng na magpapanggap na lalaki para matanggap sa isang coffee shop na pag-aari ng character na gagampanan naman ni Aljur.

Sabi ng StarStruck winner, “Unti-unti.

"Actually, mahirap siya. Ang laking pressure talaga sa akin.

"Kasi nung napanood ko yung series... ang daming beses ko na ngang napanood, e.

“Hindi pa ako artista nung ipinalabas yung Coffee Prince dito sa Philippines.

"Napanood ko talaga siya. May CD pa talaga ako kasi fan din ako talaga ng Coffee Prince.

“So, ayun, pinag-aaralan ko talaga."

Sa GMA-7 din ipinalabas ang original Korean version ng Coffee Prince noong 2008.

Natatawang pagpapatuloy ni Kris, "Ngayon, sabi nila bumarkada raw po ako sa mga lalaki!

“Makilaro daw po ako ng basketball sa mga boys. Gano’n.

"Tapos maging conscious daw ako sa mga kilos nila. Sa mga pananalita nila, kung paano ba sila umupo at maglakad.