“Naging kami, pero hindi umabot ng isang buwan. Hindi nga kasi kami okay na mag-dyowa. Kasi, noong time na yun, naging busy ako. Parang nakonsensiya naman ako na ako yung may gusto na dapat ganito, dapat may relasyon, pero hindi ko nagagawa yun,” says Rich Asuncion, who admitted she had a one-month relationship with Ervic Vijandre.

Photo: Courtesy of GMA-7

Sa kabila ng pagiging estudyante pa rin niya ng kursong Tourism sa University of the Philippines, masaya’t nagpapasalamat daw si Rich Asuncion na hindi siya nawawalan ng projects sa GMA-7.

Pagkatapos kasi ng pagiging kontrabida niya sa Biritera, nakapag-guest pa siya sa Faithfully, at ngayon ay reporter naman ang karakter na ginagampanan niya sa Aso ni San Roque.

Ang Aso ni San Roque ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 na mapapanood na simula sa Lunes, September 10.

Kontrabida uli ang papel ni Rich sa bagong seryeng ito.

At katulad sa Biritera, bata na naman ang pagmamalupitan niya— ang character ng bidang si Mona Louise Rey.

Hindi ba siya nag-aalalang ma-typecast na nang-aapi ng mga bata?

“Oo nga, ‘no? Siguro kung magulang ka, magagalit ka. Pero work lang,” sagot ni Rich sa pakikipag-usap nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng Aso Ni San Roque.

Ginanap ang presscon sa Studio 7 ng GMA Network Studios building, kagabi, September 3.

Pag-amin ng StarStruck runner-up, nahirapan siya noon sa role niya sa Biritera na nang-aapi sa character ng bida roon na si Roseanne Magan.

Pasalamat na lang daw siya sa direktor nila na si Maryo J. de los Reyes at talagang na-guide daw siya.

Pakiramdam ni Rich, naging masyado siyang epektibo sa kanyang role na kahit sa tunay buhay raw ay nagagalit sa kanya ang mga nanay.

“Parang inaano nila na, ‘Bakit mo ginaganyan ang bata, walang laban sa ‘yo.’ Parang ganoon…

“Pero sinasabi ko na daya lang naman yun, hindi naman totoo yun.

“At saka, ang importante sa akin, may trabaho,” saad ni Rich.

Masaya nga raw ang young actress na nagtutuluy-tuloy naman ang projects niya kahit na kontrabida ang roles na naitotoka sa kanya.