Pagkatapos ng apat na taon ay nagbabalik sa GMA-7 ang actress-comedienne na si Tessie Tomas. Gagampanan niya ang ina ni Krios Bernal na mahilig sa easy-money schemes.

Photo: Noel Orsal

“Kaya dasal ko ay makabalik ulit ako sa comedy.

“Gusto ko naman this time ay magaan. Yung walang masyadong stress. I can be myself this time.  

“Kaya tamang-tama lang ang offer na ito ng GMA-7, at kasama ko ulit si Leo Martinez na God knows kung ilang taon ko nang nakasama.

Champoy days ko pa kasama ‘yang si Leo kaya gamay na gamay na namin ang bawa’t isa.”

Ang Champoy ay isang toprating gag show noong ‘80s kunsaan kasama rin sina Subas Herrero, Noel Trinidad, Mitch Valdes, Cherie Gil, Ronnie Lazaro, at Jun Urbano.

First time namang makatrabaho ni Tessie ang loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Sabi niya, “Mga fresh at very talented ang mga bata. Nakakaengganyo ang energy nila sa trabaho.

“So far, si Kris pa lang ang nakakaeksena ko. I play the mother of Kris who plays Andy.

“Luka-lukahan akong ina rito ni Kris. Effortless nga raw!” sabay tawa niya.

Nataon din na may series of shows si Tessie titled Comic Divas sa Resorts World Manila. Kasama niya rito sina Mitch Valdes, Nanette Inventor, at Jon Santos.



INDIE FILMS. Bukod sa kanyang drama roles sa TV, naging busy rin noon si Tessie sa paggawa ng indie films gaya ng 100, Ploning, Rome and Juliet, Padre de Pamilya, Two Funerals, The Red Shoes, Sanglaan, at Chasing Manila.

Sabi ng veteran actress, “Naging suki nga tayo ng mga indie producers.

“Nakakatuwa naman kasi magaganda ang mga roles na ibinibigay nila sa akin. Tsaka mabilisan ang trabaho.

“Basta available ako at maganda ang role, I say yes to these indie filmmakers.

“It’s my own way of helping them in this industry. Tulungan lang naman tayong lahat."



SON ROBIN. Masaya ring ibinalita ni Tessie na very successful ang anak niyang si Robin Tomas sa career nito bilang designer sa New York City.

Nasa ilang high-end clothing stores sa NYC ang ‘Tomas’ label nito.