Sef Cadayona on playing best-friend and sidekick roles: “Pabor sa akin ang mga ganung roles kasi tuwing magka-cast nga raw, ako ang lagi nilang naiisip na magiging best friend ng kung sinong  bida. Pero hindi naman lahat naging best friend ako. Minsan sidekick ng kontrabida. Parati lang ako kasama sa main cast ng mga TV series.”

Photo: Noel Orsal

“Okey naman daw ako para sa role, kaso nagawa ko na raw kasi ‘yon sa Time of My Life at si Kris din ang kasama ko doon.

“Madali na kasi para sa akin ang gumanap sa gay role kasi nagawa ko na nga.

“Hindi naman ako nako-conscious kasi trabaho naman iyon at challenge para sa kahit kaninong actor ang gumanap na gay.

“Yun nga lang, baka maulit lang daw ang gay role sa Time of My Life, kaya ibinigay nila sa akin ang role na Baldo, which is okey rin kasi marami akong mga scenes na kasama ko parati si Kris,” nakangiting sabi ni Sef.



INDIE FILMS. Hindi lang sa TV busy si Sef kundi pati na rin sa paggawa ng indie films.

Tatlong indie films ang ginagawa niya ngayon.

“Right now, ginagawa ko ang indie film na Slumber Party for Cinema One. Comedy ito na idinirek ni Eman dela Cruz.

“I am also doing Gayak. Medyo heavy drama naman ito.

“Then I will start with a new one—confidential pa ang title at ang kuwento.

“Pinakamalaki itong project na ito na mangyayari sa career ko. And I am praying na matuloy ito.

“Kapag nagsimula na kami ng shooting, siguro doon ako puwedeng magkuwento.

“Actually excited na akong mag-start and I’ve been preparing myself para sa gagawin ko sa movie.”



NO GIRLFRIEND. Dahil sa sunud-sunod na projects ni Sef, ipinagpaliban muna nito ang magkaroon ng girlfriend.

Huli siyang na-link kina Janna Dominguez at Michelle Madrigal.

Sabi ni Sef, “Si Janna, almost one year din kaming nagkaroon ng relasyon.

“Ngayon, nababalitaan ko namang happy siya kasi may sarili na siyang pamilya.

“Matagal na rin kaming hindi nagkakausap ever since naghiwalay kami.