Marami raw dapat ikunsidera ang aktres na si Lorna Tolentino kung sakaling iibig siyang muli. Saad niya, "Hindi ka naman makakahanap ng single na ganitong age. Ano ba naman yun? Parang magdududa ka. Kung makahanap ka man, foreigner. E, bakit naman? Ang hirap, mag-a-adjust pa kayo ng kultura n’yo."

Photo: Noel Orsal

Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang first taping day ni Lorna Tolentino para sa primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali, noong Biyernes, November 16.

 

Ginanap ang taping sa opisina ng LRT2 sa Santolan, Pasig,

Ang Pahiram Ng Sandali ang unang proyekto ni Lorna sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network.

Dapat sana ay ang na-shelve na Haram ang gagawin ni LT (palayaw ng aktres), kasama ang karamihan ng cast ng Pahiram Ng Sandali.

Ayon kay LT, “Yung Haram kasi, noong nabasa ko ang script, maganda, educational.”

Na-disappoint ba siya na hindi iyon natuloy?

“Lahat naman kami,” sagot niya.

“Kasi nga, something new, different. 

“E, ang daming Mano Po 1, 2, and 3, tradisyon ng Chinese. 

“So, parang it’s about time naman na Muslim. 

“E, wala. Medyo sensitive pa ang isyu.

“Ngayon, nakatono ako as a mother dun, ako ang nagtuturo sa anak ko. Ipatindi sa kanya more on religion. E, biglang nagkagulo. 

“Noong binasa ko ang Pahiram...oh, goodness, biglang nakatono ako sa isang ina na teacher, biglang sexy ito!” natawa na lang niyang sabi.

Pareho raw siyang may love scene dito kina Christopher de Leon at Dingdong Dantes.

“Pero with Direk Maryo J, wala kang dapat ipag-alala. 

“Ang ipinag-aalala ko lang, yung katawan ko. Uubra pa ba, di ba?” biro ng 50-year-old actress.