Payo raw ni Angelu de Leon sa bagong batch ng Kapuso teen stars na ipakikilala sa teen-oriented show na Teen Gen: “‘You enjoy the job.’ Kasi, baka masyado nang maging work, hindi nila ma-enjoy. Kami kasi dati, na-enjoy namin, e.” At ang pinakaimportante niyang advice: “Huwag nilang gawin ang ginawa ko.”

Photo: Noel B. Orsal

“I know!” sagot ni Angelu de Leon sa amin nang batiin namin siya ng “Nakakaloka!” bago sumalang sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong teen-oriented TV show ng GMA-7 na Teen Gen.

Naganap ang presscon sa 17th floor ng GMA-7 Network Building nung Huwebes, December 6.

“After seventeen years,” nakangiting sabi pa rin ni Angelu.

Katulad namin, hindi rin akalain ni Angelu na muli siyang makakasama sa cast ng isang teen-oriented show, ang Teen Gen nga.

Matatandaang seventeen years ago, kabilang si Angelu sa cast ng panghapong show na pang-teenager ng GMA-7, ang T.G.I.S.

“Yes, isang dekada na yun. Seventeen years ago simula nang magkaroon ng T.G.I.S. ‘Tapos, fourteen na si Nicole.”

Si Nicole ay ang panganay na anak ni Angelu sa actor na si Joko Diaz.

“Matagal nang walang T.G.I.S. Then, nag-Growing-Up pa.”

Ang Growing-Up naman ang sequel ng T.G.I.S. nung 1997.

Si Peachy pa rin naman ang gagampanang role ni Angelu sa Teen Gen. Pero sa show na ito ay mommy na siya ng isa sa lead characters, si Lyca, na gagampanan naman ni Dianne Hernandez.

Ayon kay Angelu ng natatawa, “Mas nakaka-pressure, di ba? 

“Kailangan, hindi ka magmukhang losyang o nanay. 

“Okey na yung nanay, pero, ‘wag ka lang magmukhang lola. 

“Okey naman, happy,” saad pa niya.

“After doing so many roles, I’m back to not acting again.”