Balik-tambalan at balik-primetime ang tambalan nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa upcoming teleserye na Ang Mundo Ko'y Ikaw. Sabi ni Alden tungkol dito, “Medyo mature na po ng konti ang roles namin ni Louise. Hindi na po pa-sweet kundi mas mature na when it comes to love. At saka po yung role ko dito, hindi na po mahirap kaparis ng ginampanan kong character sa One True Love."

Photo: Noel Orsal

Pero in real life, asensado na ang buhay niya ngayon dahil sikat na siya?

“Ay, hind po!” sabay tawa niya.

“Naku, hindi po totoo ‘yan! Hindi totoo. 

“Ano lang po… siguro nakakaraos. 

“I should say nakakaraos than before na hindi pa po ako artista.

“Mas well-off na po ngayon. Mas nakakapag-provide na po ako para sa pamilya ko.”


EXPECTATIONS. Ano naman ang mga expectations niya sa muling pagtatambal nila ni Louise?

“Ayun po… sana huwag pa rin kaming pabayaan ng mga supporters namin nung nasa One True Love kami.  

“And hindi naman po kami napapagod ni Louise mag-reinvent sa sarili namin, e.

“Kumbaga, hindi po kami nagsasawang maghanap ng ibang ways para maging iba yung acting namin on screen. 

“So, abangan po nila itong bagong soap namin.”


JULIE ANNE SAN JOSE. Dahil may soap na balik-tambalan sila ni Louise, iiwas na ba siya ngayon na patuloy pa ring ma-link kay Julie Anne San Jose?

Po?”  bahagyang natigilan si Alden.

“Hindi naman po sa iiwas. Magkaibigan lang naman po talaga kami ni Julie Anne in the first place.

“Pero nali-link nga po kami sa isa’t isa, yun nga lang!