Sa maiikling pananalita, inilahad ni Chariz Solomon ang role niya sa bagong serye na kinabibilangan niya. Sabi niya, “Kung sa Magdalena ay pokpok ako, dito sa Unforgettable ay mayaman akong pokpok! O, di ba? Pokpok pa rin pero yaman-yamanan!”

Photo: Noel Orsal

“Gusto ko pagdating ni hubby galing sa trabaho ay may masarap siyang kakainin. Tapos, with matching masahe pa ‘yan.

“Doon ako bumabawi. Gusto ko kapag umuwi siya, malinis ang bahay namin at may masarap siyang kakainin.

“Ngayon kasi, ang project ko sa bahay ay ang pagdating ng mga pina-custom-made naming mga furnitures.

“Yung bahay kasi namin sa Commonwealth ay hugis tatlusok at three floors siya, kaya ang daming space.

“Yung mga furnitures, kailangan sukat na sukat siya.

“Since busy rin si hubby sa kanyang work, ako ang bahala sa pag-ayos ng mga furnitures.

“Kina-career ko ang pagiging interior decorator ngayon!”



NEW SHOW. Sa bagong show ni Chariz na Unforgettable kunsaan bida sila Mark Herras at Kylie Padilla, mayaman naman this time ang role ni Chariz.

“Yaman-yamanan ako dito for a change. Heredera lang ang peg.       

“Kung sa Magdalena ay pokpok ako, dito sa Unforgettable ay mayaman akong pokpok!” sabay tawa niya nang malakas.

“O, di ba? Pokpok pa rin pero yaman-yamanan!

“May-ari ako rito ng mga chains of restaurants. Kaya pati mga outfits ko, pang-mayaman ang dating!”



BED SCENE. Meron siyang bed scene kasama si Benjamin Alves.

“Naku, hindi ako nakatanggi sa bed scene na iyon!

“Promise! Dahil si Direk Gina Alajar naman ang director namin kaya hindi ako puwedeng umarte na ayaw ko.

“First time ko kasing gumawa ng ganoong eksena.

“Sa Magdalena kasi puro kiyeme lang. Dito sa Unforgettable, unforgettable talaga siya para sa akin!” tawa pa niya ulit.