Benjamin on allegations of favoritism among GMA-7's roster of newbie actors: “I don’t know if it’s true or not... everyone has a season. Ito po siguro yung season na nabi-bless ako ni God.”

 

Photo: Noel Orsal

Si Benjamin Alves ay gaganap bilang isang abogado sa bagong GMA-7 afternoon dramaserye na Unforgettable.

Ito ang ikalawang teleserye ni Benjamin simula nang maging isa siyang Kapuso. Ang kanyang naunang serye ay ang Coffee Prince.

Ayon kay Benjamin nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Unforgettable sa 17th Floor ng GMA-7, ang una nga niyang sinabi ay magkaibang-magkaiba raw ang karakter niya noon bilang si Errol at ngayon bilang isang abogado naman.

“Magkaibang-magkaiba po talaga. Tatay ko po rito si Phillip Salvador, successful po ang pamilya namin at different from Errol.

“Papunta na pong mayabang, kung ano si Tito Ipe rito, ganoon din po ako. Yun po ang sinisikap ko talaga, kung ano ang Tatay ko.

“Very proud sa Tatay ko at sa buong pamilya ko,” masaya niyang bungad.

UNEXPECTED TWISTS. Ironically, ang karakter ni Benjamin ang magpo-prosecute sa karakter naman daw ni Kylie Padilla. Pero obviously, mukhang magkakagusto siya rito.

Bilang ghost si Mark Herras sa Unforgettable, hinuhulaan na ng halos lahat na siya ang makakatuluyan ni Kylie rito.

Pero sabi naman ni Benjamin, “Sana po ganoon ka-simple, pero, papasok din ang karakter ni Polo Ravales.

“Siya po ang abogado ni Kylie. At sa narinig ko po, mai-in-love rin siya kay Kylie. E, ako nga po ang magpapakulong sa kanya.

“Kaya parang mahirap po ang pagdadaanan namin.”

Para kay Benjamin, sandali lang naman daw ang panahon na pinaghintay niya sa panibagong serye pagkatapos ng Coffee Prince.

Aniya, “Very short, two months? Coffee Prince ended ng November. Wala naman pong bagong show ng December. But before Coffee Prince ended, nasabi na naman po sa akin na may follow-up na po.

“Hinihintay lang po kung saan ako ilalagay.