Nagbigay ng kanyang pahayag si Joross Gamboa (nasa larawan) tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mga kaibigan na sina JM de Guzman at John Lloyd Cruz. Sabi ni Joross, “Si JM, si John Lloyd, and si Ketchup [Eusebio], kami yung barkada talaga. Hindi kami yung taping friends o shooting friends, tropa talaga. Pag walang raket o hindi busy sa ibang bagay, ayun, nagkikita-kita kami.”

Photo: Noel Orsal

May mga rebelasyong sinabi si Joross Gamboa tungkol sa kanyang mga kaibigang sina JM de Guzman at John Lloyd Cruz nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 17 sa presscon ng pelikulang The Fighting Chefs.

Si Joross ay isa sa mga gumanap na chefs sa nasabing action-comedy film na pinangungunahan ng action star na si Ronnie Ricketts at ng celebrity chef na si Boy Logro. Ipalalabas sa March 6 ang pelikulang ito mula sa Viva Films.



JM DE GUZMAN. Si JM ay naging laman ng mga blind item na gumagamit daw ng ipinagbabawal na gamot dahilan para matapos nang maaga ang afternoon drama show nito sa ABS-CBN, ang Angelito, Ang Bagong Yugto.

Inalam namin kay Joross kung nagkikita pa sila ni JM matapos mapabalitang nalulong sa masamang bisyo.

Aniya, “Oo, nagkikita pa rin kami.

“Si JM, si John Lloyd, and si Ketchup [Eusebio], kami yung barkada talaga.

“Hindi kami yung taping friends o shooting friends, tropa talaga.

“Pag walang raket o hindi busy sa ibang bagay, ayun, nagkikita-kita kami.”

Bilang kaibigan, ano ang reaksiyon niya sa lumalabas na mga balita tungkol kay JM?

“Ay ano, puwede bang off-the-record muna,” hiling niya sa amin.

Pero later on ay pumayag din siyang ipa-on-the-record ang mga pahayag niya.

Sabi ni Joross, “Oo, alam naming may problema siya.

“Kasi nung Intoy Syokoy [2012 Cinemalaya film] days pa, nakikita na namin siyang umiiyak lang. Hindi mo siya makausap.

“So, alam ko na may personal problem siyang pinagdadaanan.

“Kaya sabi ko nga sa iba, ‘Hayaan ninyo muna siya, 'wag ninyo munang kausapin.’”

Hindi ba ito nagkuwento ng problema sa kanya? O nag-reach out man lang siya?