Pauleen admits that she's more careful about accepting kontrabida roles nowadays because she also wants to protect her wholesome image in Eat Bulaga!

Photo: Noel Orsal

Marami ang nakapansin sa kaseksihan ni Pauleen Luna nang dumating ito sa press conference ng kanyang bagong soap opera, ang Unforgettable, sa 17th Floor ng GMA-7 noong Miyerkules, February 20.

Si Pauleen ang tila magiging bagong kontrabida naman sa buhay ni Kylie Padilla sa kanilang bagong dramarama sa hapon.

Pero natatawa naman si Pauleen nang sagutin ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kung bakit seksi siya ngayon, na sa suot na body-hugger na pants ay litaw pa ang tiyan niya.

Sabi naman ni Pauleen, “Kasi nagbakasyon ako sa Hongkong with my family, kumain ako ng sobrang dami. Kaya pagbalik ko, nag-diet ako kahit paano.”

Masuwerte naman si Pauleen dahil hindi niya kinailangang maghintay ng matagal para sa bagong project.

Kailan lang nang magwakas ang Magdalena, pero heto ngayon at kasama na siya ulit sa panibagong dramarama ng GMA-7 na Unforgettable.

Nakangiting sabi nga ni Pauleen, “Oo nga, e... suwerte. Ano lang siguro, magaling akong makisama.”

Dugtong pa niya, “I think 2013 is a good year... sa trabaho, sa lahat... sige, I claim it.

“Kaka-end lang ng Magdalena and I’m working with the same team. So, I’m really happy.”

Base sa larawan niya sa tarpaulin, mukhang aapihin niya si Kylie?

“Actually, hindi masyado. Basta, abangan niyo. It’s very different sa Magdalena.

“Kasi, yung Magdalena, straight-out bad person. But this one is very different. Ayokong magsabi kasi, exciting siya.”

MORE CAREFUL WITH KONTRABIDA ROLES. Sa ngayon daw kasi, medyo maingat na rin daw si Pauleen sa pagtanggap ng mga kontrabida roles dahil naman sa ginagawa niya sa Eat Bulaga! kunsaan wholesome ang image niya.

Aniya, “I’m really careful and I talked to Direk Gina [Alajar] about it.