Ito ang pahayag ng starlet na si Krista Miller sa pagkakadawit ng pangalan niya sa problemang kinahaharap ngayon ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz: “Itong isyu na ito, hindi ko alam kung saan galing ito, saan ang pinaghugutan nito. Pero, isa lang po ang masasabi ko, itong challenge na ito sa akin, naging matatag ako rito.”

Photo: Edward dela Cuesta

Eksklusibong nakapanayam ng The Buzz si Krista Miller, ang starlet na itinuturong “third party” sa problemang kinakaharap ngayon sa pagsasama ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Bilang baguhang artista, nagsimula raw ang 22-year-old Media Production student sa pagiging isang fan.

Mula sa pagiging extra sa ilang ABS-CBN shows, sumali rin siya sa ilang beauty at reality contests para makilala at sumikat.  

Pero diin ni Krista, passion at hindi pera ang dahilan kung bakit siya nag-aartista.

Si Krista ay kasama sa pelikulang Alfredo Lim: The Untold Story, kunsaan direktor at co-star niya ang nali-link sa kanya ngayong si Cesar.

NOT IN HIDING. Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang pumutok ang balita sa pagkakaugnay niya kay Cesar, na nalaman ng publiko dahil na rin sa pagpu-post ng asawa ng aktor na si Sunshine sa Instagram ng mga mensahe at larawang patungkol kay Krista.

(CLICK HERE to read related story.)

Ilang beses na ring sinubukang kunin ng mga miyembro ng media ang panig ni Krista ngunit ngayon lamang siya lumantad at nagsalita.

Paglilinaw niya, “Hindi naman po ako nagtago. Hindi naman po ako totally nanahimik. 

“Nag-focus lang po ako dun sa work ko. At pinatapos lang din po namin ang shooting.”

Ang tinutukoy ni Krista ay ang shooting ng Alfred S. Lim: The Untold Story.

Wala ba sa isipan niya na hindi niya haharapin ang isyu?

“Hindi po,” sagot ng aspiring actress.