Ganito inilarawan ni Gretchen Barretto ang kaisa-isang anak na si Dominique Cojuangco: “Responsable siyang bata. Kaya niya, kakayanin niya. Alam ninyo kung saan ako bilib kay Dominique? Other children, pinag-uusapan nila, ‘Can we go to the bar? Can we party?’ Puro ganoon. Kapag si Dominique ang kausap ko, tatanungin ko, ‘I’m gonna do homework. Mom, I have lot of work to do.’ And she’s eager to earn her own money and be independent financially."

Photo: Screen grab from GMA-7 / Noel Orsal

Habang iniinterbyu ni Boy Abunda si Dominique Cojuangco sa mismong 18th birthday party nito noong Sabado, February 24, nandoon ang mga magulang niya na sina Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto na pinapanood ang kanilang unica hija.

Sa kalagitnaan ng panayam ni Boy kay Dominique para sa The Buzz, tumabi si Gretchen sa anak at dalawa na silang kinausap ng TV host. Habang si Tonyboy ay nakatingin lang sa kanyang mag-ina.

Sabi ni Boy kay Gretchen, ang debut ng anak Dominique ay masasabing bahagi ng kanyang “journey.” Sa mga oras na yun, ano ang naiisip ng aktres?

Sagot ni Gretchen, “Ang unang nasa isip ko talaga, parang kailan lang, when we were doing Show and Tell [defunct GMA-7 talk show]. Buntis ako noon.

“I was about three, four months. I was very afraid and so much has happened.

“She’s now a big girl, she’s eighteen, and I’m presenting her to you.

“I’m really excited for her.

“Life is just about to start and I don’t fear anymore. 

“Unlike noon, natatakot ako kapag may intriga, kapag may nagba-bash. Baka masaktan.

“I know that she’s strong enough to really face the world and conquer the world. 

“Of course, she still has me and her dad.”

Pinuri naman ni Boy sina Gretchen at Tonyboy sa pagpapalaki sa kanilang anak.

Sabi naman ng aktres, “I couldn’t have done it alone.

"Honestly, I’m just really thankful that Tony’s there, ninety percent si Tony ‘yan.”



RESPONSIBLE DAUGHTER. Nang magsabi si Dominique na mag-aaral na ito sa ibang bansa ngayong taon, ano ang naging reaksiyon ni Gretchen?

“Siyempre, ayaw mong pakawalan. Mahirap pakawalan ang anak mo.