“Yung hurt, parte ng buhay ‘yan. Kaya lang, sa pagpapalaki sa akin, medyo sheltered talagaa ko. So, kailangan, yung acceptance na ang buhay may kasamang pain ‘yan, hurt, di ba? Yung pagiging too trusting ko, work in progress siya," pahayag ni Sarah Geronimo tungkol sa pagbibigay ng tiwala sa mga taong nakakasalamuha niya.

Photo: Rose Garcia

Nag-first taping day na ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo para sa kanyang drama anthology sa ABS-CBN, ang Sarah G Presents.

 

Sa Heroes Hill, Quezon City kinunan ang mga eksena ng unang episode ng bagong show ni Sarah kahapon, February 25. Gumaganap siya rito bilang isang tarot reader.

Sa taping nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang Popstar Princess.

Masaya si Sarah sa pagkakaroon niya ng drama anthology.

Saad niya, “Siyempre po, blessed and I’m thankful sa ABS-CBN. 

“Nakita po nila ang need ko na bumalik muna sa acting after ng Sarah G Live

“Kailangan kasi po every time meron tayong bagong maio-offer sa tao, e.”

Mutual decision naman daw ng ABS-CBN management at ni Sarah na ipahinga muna ang Sarah G Live at umarte muna siya. Pero aminado ang singer-actress na naging malapit sa puso niya ang dating live show.

Sabi niya, “Malungkot siyempre dahil love ko po ang show, ang family ko sa Sarah G Live

“Pero nakita ko po personally na bilang concert performer, parang nauubos.”        

DRAMA ANTHOLOGY. Isa si Sarah sa pinakabatang artista na binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling drama anthology. Ano ang pakiramdam niya rito?

“Sobrang grateful sa ABS-CBN,” sambit niya.

“Nandodoon din ang pressure na, yun nga, ibinibigay nila ang magagandang proyekto sa akin. 

“Hindi ko maiwasang ma-overwhelm din. 'Shucks, kakayanin ko ba ‘to?'

“At yun nga, lahat naman magagawa through prayer.