Sa pagkikita nina Sarah Geronimo at Kim Chiu sa backstage ng Himig Handog 2013 grand finals, isang hindi inaasahang pangyayari ang nasaksihan ng mga naroon nang niyakap ni Sarah si Kim nang mahigpit. Hindi man diretsahang sinabi ng dalawa ang ibig sabihin ng yakap na iyon, mahihinuha na may kinalaman ito sa pagkakaugnay nila sa isang lalaki noon.

Photo: Rose Garcia / Kimi Yap's Instagram

Kumalat sa Internet ang larawan nina Sarah Geronimo at Kim Chiu habang magkayakap.

Kuha ang larawang ito sa backstage ng SM MOA Arena habang ginaganap ang grand finals ng Himig Handog 2013 noong Linggo, February 24. Isa si Kim sa hosts habang si Sarah naman ang isa sa mga hurado.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa unang araw ng taping ng bago niyang programa sa ABS-CBN, ang Sarah G Presents, kahapon, February 25.

Tinanong namin siya tungkol sa larawang nagyayakapan sila ni Kim na unang nai-post sa Instagram account ng stylist na si Kimi Yap.

(CLICK HERE to view PEPARAZZI page.)

Sa unang tingin ay wala namang ibang kahulugan ang yakapan na ito nina Sarah at Kim dahil normal itong ginagawa ng mga artista o maging ng mga ordinaryong tao kapag nagkikita.

Ngunit sa kaso nina Sarah at Kim ay may malalim na kahulugan ito.

Bukod sa pagiging pareho nilang Kapamilya stars, kapwa rin silang naugnay sa young actor na si Gerald Anderson.

Si Kim ay ex-girlfriend ni Gerald, habang si Sarah naman ay hayagang niligawan ng young actor.

Ito ang dahilan kung bakit nagkainteres ang marami sa larawan nilang ito.

Sabi ni Sarah tungkol sa yakapan nila ni Kim, “Oo… sabi ko, kailangan ni Kim yun... ng yakap. 

“At kailangan ko rin yun. Kailangan namin sa isa’t isa!               

“Pero yun naman, e… basta, gusto ko lang talaga siyang yakapin.”

Paano nangyari?

“Hindi... nang makita ko siya pagkarating ko… nauna kasi ako, sumunod na siya.