Janice de Belen on zero lovelife: “Siyempre, temporarily, isinasara ko. Kasi marami pa akong goals. Right now, I’m more goal-oriented than I think of any other time in my life. I’m goal-oriented now. Siyempre, ipinapagawa ko yung bahay ko. So may mga things ako na inuuna.”

Photo: Rommel Llanes

Seryoso at heavy drama ang roles ni Janice de Belen sa mga primetime series ng ABS-CBN. 

Nauna na niyang pinaiyak ang televiewers sa Budoy na pinagbidahan ni Gerald Anderson. 

Tinututukan naman ng marami ngayon ang Ina Kapatid Anak, kung saan pangunahing tampok ang Kapamilya young actresses na sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Pero pagdating sa mga pelikulang ginagawa ni Janice, comedy naman ang kanyang mga nagiging papel. 

Gaya na lamang ng bagong proyektong ginagawa niya ngayon, ang Raketeros. Bida rito sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Ogie Alcasid, Andrew E, at Dennis Padilla.     

Sabi ni Janice, “You know, surprisingly, if you look at it, halos lahat ng pelikulang ginawa ko last year, horror, e. Nakakatawa yung role ko. 

"Like yung sa Tiktik: The Aswang Chronicles. Then yung sa ‘Pamana’ episode ng Shake Rattle & Roll.

“Tapos yung sa indie film din na Mumunting Lihim, na dapat drama, pero parang natatawa din ang tao.

“Ang medyo serious lang ang role ko ay yung sa horror film din na Pridyider, at saka yung sa The Healing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa shooting ng Rakateros sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Pasong Tamo, Quezon City, kahapon, February 26.



JANICE AS A COMEDIAN? Hindi ba naging mahirap para sa kanya ang shifting from serious to comedy roles?

Sagot ng aktres, “Unang-una, hindi ko naman kasi iniisip na gano’n yung magiging kalalabasan, e. 

“Seryoso ako nung ginagawa ko ‘yon, but without the thought na nagpapatawa ka. 

“Walang gano’n, e, kasi serious ko ngang ginagawa.”

Perfect example ng sinasabi ni Janice na seryoso niyang ginagawa ay ang Cinemalaya 2012 entry na Mumunting Lihim, na isinulat at idinirek ni Jose Javier Reyes.

Drama ang tema nito na ang kuwento ay tungkol sa apat na magkakaibigan na dahil sa diary ng isa sa kanila ay nagkabukingan na nagsisiraan pala sila sa talikuran.