Ipinagkikibit-balikat lamang ni Anne Curtis ang kontrobersiyang nilikha ng kanyang birthday production number sa ASAP 18 noong Linggo, February 24. Sabi ng aktres, "Natatawa na lang [ako], but I guess people talking about it makes it a good thing. Okay lang sa 'kin yun. Negative or positive comments, they're always welcome."

Photo: Arniel C. Serato

Isang buwan pagkatapos maging sentro ng kontrobersiya ang sexy dance number nina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas, isang musical-variety show na naman ang pinagtutuunan ng pansin ng publiko at ng pamunuan ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB).

Ito ay ang kontrobersiyal na birthday production number ng aktres na si Anne Curtis sa ASAP 18 ng ABS-CBN noong Linggo, February 24.

Naging viral ang "shower/rain scene" ni Anne sa ASAP habang inaawit niya nang live ang "Diamonds" ni Rihanna.

Bukod kasi sa sexy gestures ni Anne ay agaw-pansin din ang kanyang suot na long black gown na may napakataas na slit sa bandang kaliwa hanggang sa kanyang baywang.

Dahil dito, naging usap-usapan kung may suot nga bang underwear si Anne o wala.

Kahapon, February 26, nakarating na sa pamunuan ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) ang “provocative number and outfit” ni Anne.

Bunsod nito, magsasagawa ang MTRCB ng “gender-sensitivity investigation” sa ASAP.

(CLICK HERE to read related story.)

Ito naman ang maikling statement ng ABS-CBN tungkol sa hakbang na gagawin ng MTRCB:

"We have received the summons from MTRCB. The representatives of ASAP will be attending the meeting called by MTRCB on Tuesday, March 5 to discuss the issue."



INSPIRED BY RIHANNA. Sa ulat ng ABS-CBN News kahapon, February 26, ipinagkikibit-balikat lamang ni Anne Curtis ang mga negatibong komento tungkol sa kanyang suot sa Rihanna-inspired production number sa ASAP 18.

Sabi niya, "Natatawa na lang [ako], but I guess people talking about it makes it a good thing. Okay lang sa 'kin yun.

“Negative or positive comments, they're always welcome.

“You just [have to] learn the art of deadma, and you accept what other people have to say."

Paliwanag pa ni Anne, ang kanyang suot na gown na ginawa ni Boom Sason ay idinisenyo para maghatid ng “ilusyon” sa mga maounood.

Aniya, "Boom, of course, knows what I was wearing, and that's actually what our theme was, e.