[x]

Inamin ni Yeng Constantino na ang kantang "Chinito" mula sa kanyang Metamorphosis album ay para sa showbiz crush niya na ang pangalan ay may initial na "E."

Photo: Sany Chua

Interesante ang latest episode ng PEPtalk lalo na para sa mga kabataang mahilig sa pop rock music.

Ano ang posibleng mangyari kung kaharap ng associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Rommel Llanes at section editor na si Demai Granali ang first winner ng Pinoy Dream Academy na si Yeng Constantino at ang kanyang gitara?

 

E, di, kantahan!!!

Demai: Hello, there and welcome to another episode of PEPtalk. Noong 2006 pinahanga niya tayo sa kanyang talento sa pag-awit at pagsulat ng kanta.

I’m sure naalala ninyong lahat ang kantang “Hawak Kamay.” Ngayon, siya na ang tinataguriang Pop Rock Princess ng OPM.  Ladies and gentlemen, welcome to PEPtalk, Ms. Yeng Constantino!"


Yeng: "Thank you, thank you! It’s really an honor to be here dahil nung last time nga, nakita ko si Daniel [Padilla] so… ‘Hi, sa ‘yo Daniel.’"

Demai: Paramdam agad, ha? So dahil dumadaan tayo diyan sa paramdam levels na ‘yan at dahil kakatapos lang ng Valentine’s Day, sisimulan ka namin with this question… Kamusta ang love life ni Yeng Constantino?



LOVE LIFE. Ang sagot ng singer, “Okay naman siya. Sa pagkakaalam ko, wala pa ring pagbabago.

“Pero siyempre, alam mo yun, I am 24 years old. Tao din naman ako, naiinip din naman ako paminsan... Alam mo yung tinatanong ko yung sarili ko, ‘Bakit hindi ko pa kaya magka-boyfriend or anything?’”

Pag-amin niya, “Pero yun nga yung isa sa mga pagbabago this year na parang naging mas open ako na magpapasok ng mga lalaki sa buhay ko.”

Demai: Mga? talaga hindi lang isa?

Pabirong hirit ni Yeng, “Come on, guys!”

Dagdag pa niya, “Kasi parang mas naging open lang ako magpaligaw unlike before. Siguro, masyado pa akong bata, feeling ko, ang dami ko pang dapat gawin and ang laki ng pangarap ko for OPM.

“Na hindi ko muna yun pina-prioritize this year parang mas naging open lang ako na siguro it’s about time na maging open na ako.”

Demai: Pero ‘tong past six or seven years kasi, parang walang talagang na-link sa ’yo na matagal unlike before nung nakasama mo sa PDA, si Rj [Jimenez]. Wala bang umakyat ng ligaw sa ’yo during that time?

Kuwento ni Yeng, “May mga nanligaw, siyempre, pero yun nga, siguro sila yung…

“Naniniwala kasi ako na yung lalaki mate-test mo rin through time kasi kung talagang gusto ka hihintayin ka.

“Pero sa mga past ko na manliligaw, medyo nainip 'ata sila,