Mahalaga para sa Pinoy singer na si Jed Madela ang tatanggaping award mula sa World Championship of Performing Arts. Sabi ni Jed, “Kasi ang una-unang pumasok sa isip ko, pag nawala na ako at least nakaukit na yung pangalan ko diyan—forever na… At least nandiyan na ang pangalan ko, it will be forever in the book—yun ang talaga una kong naisip.”

Photo: Allan Sancon

Inspirado at looking forward si Jed Madela sa matatanggap niyang Hall of Fame award mula sa World Championship of Performing Arts sa July.

    

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jed noong nakaraang Linggo, March 3, sa ASAP 2013.

Ikinuwento ng singer na nagulat talaga siya sa karangalang ipagkakaloob sa sinalihang international singing competition.

Aniya, “Sa July, we’re going back to Hollywood. In-invite nila ako uli to grace to 17thWorld Championship of Performing Arts.

“Sa mga di nakakaalam, doon ako sumali noong 2005, nanalo.

"And this year, they invited me to receive an award.

“They are giving me Hall of Famer award sa World Championship…

“At yung mga binibigyan nila ng award na ito are people who made a big impact on the industry where they are in.

“Nagulat din ako sa mga kasama ko, na kahanay ko sa award na ito, like sila Liza Minnelli, Arnold Schwarzenegger, Jennifer Holiday...

“Sobrang humbled ako na napili nila ako na maging part.”



NOT A JOKE. Ayon kay Jed, inakala niyang biro lang ang lahat noong unang ibalita ito sa kanya.

“Nagulat ako! They told me last December, noong sinabi sa akin, sobrang nangilabot ako.

“Sabi ko, ‘Huwag ninyo akong i-joke time, kasi di joke ‘yan!’

“Sinabi nila, ‘Hindi… totoo! You’re going to be inducted in the Hall the of Fame sa Hollywood.’

“Ako, sobrang kinalibutan ako!

"Kasi, ang una-una kong pumasok sa isip ko, pag nawala na ako, at least nakaukit na yung pangalan ko diyan—forever na.

“Pag wala na ako sa industriya, it depends, di natin alam.