Ikinuwento ni Amy Perez ang mga unang signs ng kanyang post-partum depression. Aniya: “Lagi kasi ako nasa bahay. Di ako makababa ng hagdanan kasi bawal dahil baka nga raw bumuka yung tahi. Kaya yun, iyak ako nang iyak.”

Photo: Noel Orsal

Halos isang taon hindi nakapag-host sa talk show ng TV5 na Face To Face si Amy Perez dahil sa pagbubuntis niya. Kaya pinalitan siya pansamantala ni Gelli de Belen.

Isinilang ni Amy ang pangatlo niyang anak noong January 2 sa pamamagitan ng ceasarean section o CS.

Pangalawang anak niya ito sa current partner na si Carlo Castillo, isang radio host and TV5 police reporter.

Kahapon, March 5, sa taping ng Talentadong Pinoy, kinumpirma mismo ni Amy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbabalik niya sa Face To Face.

Guest judge si Amy sa Talentadong Pinoy, na bago pa lang pinarangalang Outstanding Original Reality/Competition Program ng 2013 Golden Screen TV Awards.

Pagkumpirma ni Amy, “After Holy Week, magte-taping na kami ng ilang episodes ng Face To Face and all my other shows dito sa TV5.

“Kasi noong manganak ako through C-section nga, sabi ng doctor ko, magpahinga daw muna ako ng about 70 days.

“So, about more two months yun, e, sabi ko sa kanya, ‘Doc, sa mga regular employees lang ‘yan ginagawa.’

“E, kami, no work, no pay kami.

"Kaya nang i-explain ko sa kanya yun, pinayagan naman niya akong mag-work sa Good Morning Club kasi nakaupo lang naman ako doon."



MORE SHOWS. Humihirit pa sana si Amy na makapag-show pa rin siya ng iba.

“'E, sa Face To Face?’ tanong ko sa kanya. Nami-miss ko na rin talaga ang show.

“Aba, ang sagot sa akin, ‘Naku, ‘wag muna. Baka masyado kang ma-stress, e, bumuka ang tahi.'

“So yun. Hinintay muna namin yung almost three months na pahinga ko, then after Holy Week nga, tuloy na kami.

“Kasi nga, hindi naman pala yung tahi sa bikini type ang nakakatakot kundi yung sugat inside ng ano ko…. ng tahi ko.

“Baka nga raw mag-relapse, bumuka uli, tatahiin uli siya.”



C-SECTION. Buong akala pala niya, normal delivery niya isisilang ang kanyang anak, na plano niyang pangalanang “Isiah.”