Pansamantala munang hindi mapapanood sa musical-variety show na Party Pilipinas si Kyla bilang paghahanda sa kanyang panganganak. Nasa ika-pitong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis kaya kailangan na muna niyang magpahinga. Ayon kay Kyla, “Sabi ng doctor ko, kung kaya ko pa, okey lang daw. E, siyempre medyo nag-iingat na rin ako.”

Photo: Noel Orsal

Nagpaalam na ang R&B Princess na si Kyla sa Party Pilipinas noong Linggo, March 3. 

Seven months na kasi ang kanyang ipinagbubuntis kaya pansamantala muna siyang magpapahinga hanggang sa makapanganak na.

Sabi ni Kyla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nahihirapan akong kumilos at saka nahihirapan na rin akong kumanta. 

“Siyempre, ayoko naman nung hindi ako nakakakanta nang maayos.

“Sabi ng doctor ko, kung kaya ko pa, okey lang daw. E, siyempre medyo nag-iingat na rin ako.”



ADJUSTMENTS. May mga adjustments na ba sila ng husband niyang si Rich Alvarez ngayong magkakaanak na sila?

Sagot ni Kyla, “Ngayon kasi, wala pa masyado, e. Kaming dalawa pa lang ni Rich.

“Pero feeling ko, kapag nandiyan na yung baby, dun na yung malaking adjustments na talaga.

“Pero pini-prepare ko na at napag-uusapan na rin namin na tulong kami sa pag-aalaga sa baby.

“Kaya lang, ang sabi niya [Rich], basta sa paglilinis ng pupu, ako raw!

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Madaya ka!’” natatawang kuwento ni Kyla.

“’Pambihira! Ako na nga ang nagdala, e!’ Dyinu-joke ko siya parati.

“Pero sobrang excited siya na… kinakausap niya yung baby parati, gano’n.

“Basta para kaming naglalaro, e. Kasi may stroller na kami, iniregalo ni Ate Reg [Regine Velasquez].

“Minsan kapag dumarating kami ng bahay, bigla siyang, ‘Hello baby!’ Gumagano’n siya.       

“Sabi ko, ‘Wala diyan sa stroller, nandito pa sa tiyan ko.’