Hindi ipinagkaila ni Nikki Gil na kung lalagay man siya sa tahimik ay gusto niyang si Billy Crawford na ang mapangasawa niya. Saad niya, “Siyempre, yun ang gusto namin kasi, di ba, sayang naman yung five years na yun kung hindi, di ba? Siyempre, I want him to be the one na. I want this to work. Pero hindi naman kami nagmamadali kasi bata pa naman kami, marami pa kaming kailangang asikasuhin.”

Photo: Arniel C. Serato

Hindi man daw nagtagal ang kanyang character sa Apoy sa Dagat, masaya pa rin si Nikki Gil na marami ang pumuri at nakapansin sa kanyang pag-arte sa naturang primetime series ng ABS-CBN.

Sa pilot week lang napanood ang role ni Nikki bilang ina ng kambal ng noo’y mga bata pang dual character ni Angelica Panganiban.

Sabi ni Nikki, masusi niyang sinunod ang instructions ng kanyang director sa bawat eksena dahil hindi pa naman daw niya naranasan ang ganoon sa tunay na buhay.

“Ano, I just trust the director and, of course, I read the script thoroughly.

“Napakalaking bagay noong may tiwala ka sa director at sinusunod mo kung ano yung instructions nila.

“Kasi yung role ko doon sa soap, hindi ko naman na-experience sa totoong buhay so kailangan talagang kumapit ako sa instructions.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest si Nikki sa launching ng 2013 Spring Summer Collection ng Swatch last February 26 sa Long Bar, Raffles Hotel, Makati.

Pagkatapos ba ng Apoy Sa Dagat, may mga nakalinya na siyang bigating drama roles?

Tugon ni Nikki, “Meron na daw though wala pang concrete, wala pa akong solid na details, wala pang nagsasabi sa akin.

“Pero ako naman, happy ako with them [ABS-CBN] on what is being given to me.”

Sa mga papuri na kanyang natanggap, ano ang nararamdaman ni Nikki na pasado ang kanyang acting kahit na mas nakilala siya bilang host at singer?

Aniya, “Happy. Oo, siyempre kasi kahit one week lang yung exposure ko, sobrang tagal naming ginawa yung pilot week, sobrang dugo talaga.

“So it’s the wish of any artists na mapansin ang kanilang pagganap, kasi yung pinagtrabahuhan naming lahat ay napuri.

“Nakakataba ng puso.”

Sa ngayon, kakatapos lang daw gawin ni Nikki ang musical na They’re Playing Our Song, na naging avenue naman niya para sa kanyang talent sa pagkanta.