Max Collins is grateful that she was given a chance to star in Pahiram Ng Sandali. After working on this project, she's now proud to say that, “I conquered my fear and that made me become a better actress, a better person.”

Photo: Rengie Tolentino

Mas nakilala raw ni Max Collins ang kanyang sarili matapos gumanap bilang Cindy sa GMA-7 primetime series na Pahiram Ng Sandali.

Sa totoong buhay raw kasi ay hindi siya vocal, kaiba sa karakter niya sa show.

Sabi ni Max, “Maganda pala yung feeling na nalalabas mo yung nararamdaman mo.

“Kasi gano’n siya [Cindy], kung ano nararamdaman niya, inilalabas niya agad.

"And ako yung type na iniipon ko hanggang makalimutan ko, and ang sarap pala ng feeling, kasi you feel stronger.

“So ako, yung natutunan ko about myself is that I should learn how to be more expressive and not to be so afraid.

“Kasi medyo mahiyain po ako, so because of her, she taught me to be more open, to be more fearless.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max kahapon, Marso 5, sa pocket interview ng cast ng Pahiram ng Sandali sa 17th floor ng GMA Network, sa Timog Avenue, Quezon City.



“I CONQUERED.” Bukod sa pagkilala sa kanyang sarili, natulungan din daw si Max ng proyektong ito na malinang ang kanyang pagiging isang aktres.

Sabi niya, “Yung confidence ko po bilang isang artista, sa pag-aarte ko, it grew so much!”

Hindi rin daw kasi niya akalain na makakatrabaho niya ang mga premyadong artista tulad nina Christopher de Leon, Sandy Andolong, at Lorna Tolentino.

Kaya naman maipagmamalaki niya raw sa lahat na, “I conquered my fear and that made me become a better actress, a better person.

“And it gave me more respect for myself because before, ang feeling ko, laging may kulang, na hindi ako gano’n kagaling umarte, hindi ako gano’n kagaling kumanta, sumayaw, whatever.

“So, parang nando’n pa rin yung insecurities ko and I so badly wanted to show everyone na kaya ko.

"But ako, myself, hindi ako gano’n ka-sure sa sarili ko.

“But because sa project na ito, napatunayan ko na kaya ko pala.